Mukhang mamahalin na birthday party ng baby ni Sunshine Garcia na si Baby Axel usap-usapan ngayon sa social media!



Kamakailan lamang ay naghanda ng advanced birthday celebration ang mag-asawang Sunshine Garcia at Alex Castro para sa kanilang anak na si Axel na ipagdiriwang ang kaniyang unang taong kaarawan sa Setyembre 10. Ang nasabing selebrasyon ay pagdiriwang na din ng binyag ng kanilang baby boy.



Ibinahagi ng aktres ang kaniyang pahayag sa kaniyang social media account na Instagram na tila hindi makapaniwalang isang taon na ang kaniyang supling at sinabing: “Ang bilis talaga ng araw mag-1 yr old na siya???? sa susunod nito may ka-date ka na. charuuut! Haha! Salamat sa lahat ng nakapunta at sa mga Ninong at Ninang thank you sa inyo. Sobrang happy kami.”


Ilan sa nga ninang ng kaniyang anak ay ang kaniyang mga nakasama noon sa isang sikat na girl group na sina Cynthia Yapchiongco at Mia Pangyarihan. Masayang-masaya ang mag-asawa dahil sa natupad nga ang pangarap nilang party sa kanilang anak. Laking pasasalamat niya kay Portia ng “GP Thestoryteller” na ginawang bagong mundo ang osang tennis court. Ayon pa kay Sunshine, ang party ng anak na may tema na “Aladdin” ay talaga namang mukhang mamahalin.



“Yung kahit gusto mo ng simpleng ayos lang sya yung tipo ng tao na hindi papayag lagi nya sinasabi na ibibigay nya yung Best nya. Thank you Mars nadagdagan ako ng kaibigan sa yo. Simula nung Gender Reveal hanggang ngayon lagi mo kami Sinusurprise ni Alex sa talent mo. Ito yung isa sa gusto ko ma feel ko na bata ang may Party pero parang ako talaga ang may party.”, dagdag pa ng actress-comedienne.


Talaga namang puring-puri ng aktres ang tumulong sa kanilang mag-asawa upang maging maganda, maayos, at matagumpay ang kanilang selebrasyon. Nagbahagi din ng ilang mga larawan ng kaniyang anak si Sunshine at talaga namang hindi mo aakalaing tinipid o budget-friendly ang kanilang preparasyon. At makikita mo talaga ang saya at ligaya sa mga mata ng kanilang cute na cute na baby boy.

Source: Pep




error: Content is protected !!