Sikat na modelo na mayroong pinakamahabang binti sa Estados Unidos tinutuksong “giraffe” noon dahil sa pagiging matangkad!

Hindi naging madali ang buhay para kay Chase Kennedy na mas matangkad kaysa sa kaniyang mga kaibigan at kamag-aral. Dahil nga sa pagiging matangkad niya ay madalas siyang tuksuhin ng mga ito na isang “giraffe” o di kaya naman ay “legs”. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay magiging sikat pala siyang modelo sa Estados Unidos na mayroong pinakamahabang binti sa lahat!

Halos lahat ng kaniyang mga kapatid na lalaki ay matatangkad din ngunit sa kadahilanang siya ay isang babae hindi naging masyadong positibo ang kinahinatnan nito sa kaniya. Siya ay nag-aral sa San Luis Obispo Highschool sa California at siya ang naging isang “awkward” na estudyante na mas matangkad sa lahat.

Kung karamihan sa mga kamag-aral niyang babae ay nagsusuot ng kani-kanilang mga high heels para sa kanilang mga party at proms, siya ay walang ibang pagpipilian kundi magsuot na lamang ng mga “flat shoes” o yung mga walang takong na sapatos at sandals. Kung pakikipag-date naman ang pag-uusapan ay sadyang nakaranas din siya ng hindi maganda dahil sa maraming mga lalaki ang natatakot makipag-date sa kaniya dahil sa kaniyang taas.


Ngunit sa kabila nito ay naging kalamangan naman niya ang kaniyang taas na 6 feet 5 inches pagdating sa mga sports tulad ng basketball at volleyball. Isa rin siyang sikat na modelo at kinilala din bilang babaeng May pinakamahabang binti sa Estados Unidos na mayroong record na 51 inches! Kaunting-kaunti na lamang at makukuha na sana niya ang Guinness World of Record sa Russian Model na si Ekaterina Lisina na kasalukuyang may hawak ng world record na babae na mayroong pinakamahabang binti sa buong mundo.

Maaaring marami sa atin ang nangangarap maging matangkad o di kaya naman ay bahagyang lumiit ngunit higit pa sa kahit anong pangarap o pagnanais natin sa buhay ay nakakamanghang malaman ang ginawang pagtanggap at pagpapahalaga ni Chase sa kaniyang angking kaibahan sa ibang tao. Maaaring mas matangkad siya sa mga tao sa kaniyang paligid ngunit tulad din naman natin siyang may mga pangarap sa buhay na nais makamit.



error: Content is protected !!