Babaeng tsimosa naipit sa gate ng kanilang kapitbahay nang limang oras!

Alam naman natin na ang pakikipagtsismisan ay hindi tama at hinding-hindi magiging tama. Lalo na kung pulos masasama at hindi maganda ang sinasabi natin sa ibang tao sa kanilang likuran. Ang ganitong aksyon ang hindi dapat kunsintihin ng kahit sino pa man. Ngunit kahit pa nga hindi ito tama ay marami pa ring mga tao ang hindi maiwasang makipagtsismisan talaga. Kung kaya naman marami ang tila nasiyahan sa nangyaring ito sa isang babae na ibinahagi ng “Radio La Roca FM 103.9”. Naging viral ang larawan ng babaeng naipit mismo ang ulo sa gate ng kanilang kapitbahay dahil na rin sa pakikipagtsismisan nito.

Ang nasabing babae ay mula pa sa Virginia, Columbia na naipit ang ulo sa gate ng limang oras! Ayon sa mga ulat ay nagtungo lamang ang babae upang masuri kung naroon ba sa bahay ang kaniyang kaibigan ngunit nangyari na nga ang insidente. Bagamat hindi nakumpirma kung tsismis nga ba ang ipinunta ng babae o isang importanteng bagay sa kaniyang kapit-bahay ay talaga namang nakakabigla ang nangyari sa kaniya. Kumalat ang mga larawang ito sa social media na inulan naman ng napakaraming mga reaksyon at komento mula sa publiko. Marami ding mga netizen ang tila naka-relate habang mas marami naman ang natuwa sa kinahinatnan ng kawawang babae. Sa kabilang banda, kung tsismis nga talaga ang hanap ng babae sa larawan ay siguro mas dapat na niyang itigil ito.

Para sa mga taong nagnanais na makipagtsimisan pa ng mabuti sa kani-kanilang mga kapitbahay, marahil ay medyo kakabahan na sila dahil sa pangyayaring ito. Dahil hindi naman kasi talaga tayo dapat nagsasalita ng hindi maganda sa mga tao sa ating paligid lalo na kung hindi naman ito totoo. Tiyak na magiging aral ito sa maraming mga tao na hindi mapigilan ang kanilang mga sarili sa pakikipagtsismisan. Kung kaya naman dapat ay matuto na tayo sa pangyayaring ito.



error: Content is protected !!