Categories: Viral

Babaeng tsimosa naipit sa gate ng kanilang kapitbahay nang limang oras!

Alam naman natin na ang pakikipagtsismisan ay hindi tama at hinding-hindi magiging tama. Lalo na kung pulos masasama at hindi maganda ang sinasabi natin sa ibang tao sa kanilang likuran.

Ang ganitong aksyon ang hindi dapat kunsintihin ng kahit sino pa man. Ngunit kahit pa nga hindi ito tama ay marami pa ring mga tao ang hindi maiwasang makipagtsismisan talaga.

Kung kaya naman marami ang tila nasiyahan sa nangyaring ito sa isang babae na ibinahagi ng “Radio La Roca FM 103.9”. Naging viral ang larawan ng babaeng naipit mismo ang ulo sa gate ng kanilang kapitbahay dahil na rin sa pakikipagtsismisan nito.

Ang nasabing babae ay mula pa sa Virginia, Columbia na naipit ang ulo sa gate ng limang oras! Ayon sa mga ulat ay nagtungo lamang ang babae upang masuri kung naroon ba sa bahay ang kaniyang kaibigan ngunit nangyari na nga ang insidente.

Bagamat hindi nakumpirma kung tsismis nga ba ang ipinunta ng babae o isang importanteng bagay sa kaniyang kapit-bahay ay talaga namang nakakabigla ang nangyari sa kaniya. Kumalat ang mga larawang ito sa social media na inulan naman ng napakaraming mga reaksyon at komento mula sa publiko.

Marami ding mga netizen ang tila naka-relate habang mas marami naman ang natuwa sa kinahinatnan ng kawawang babae. Sa kabilang banda, kung tsismis nga talaga ang hanap ng babae sa larawan ay siguro mas dapat na niyang itigil ito.

Para sa mga taong nagnanais na makipagtsimisan pa ng mabuti sa kani-kanilang mga kapitbahay, marahil ay medyo kakabahan na sila dahil sa pangyayaring ito.

Dahil hindi naman kasi talaga tayo dapat nagsasalita ng hindi maganda sa mga tao sa ating paligid lalo na kung hindi naman ito totoo. Tiyak na magiging aral ito sa maraming mga tao na hindi mapigilan ang kanilang mga sarili sa pakikipagtsismisan.

Kung kaya naman dapat ay matuto na tayo sa pangyayaring ito.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago