Ellen Adarna namataan sa Cebu ngunit hindi na kasama ang live-in partner na si John Lloyd Cruz

Kamakailan lamang ay namataan na namang muli ng publiko ang semi-retired actress na si Ellen Adarna sa ilang public functions kung saan aktibo ang aktres. Setyembre 8 nang makita si Ellen sa isang opening ng Wellness Spa sa Cebu kung saan isa siya sa mga gumupit ng ribbon. Sa nasabing event ay niya kasama ang kaniyang nobyo na si John Lloyd Cruz.

Mayroon pa ngang isang netizen na nagpa-picture kasama ang aktres na tila mas gumaganda pa sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap nito. Ayon sa netizen na nakilala bilang si Anne Jelique Edano ay sadyang napakaganda ni Ellen, hindi man siya naging sigurado noong una ay hindi naman ito nagdalawang isip na pagbigyan siya sa kaniyang hiling na magpalitrato. Ang dinaluhang event ng aktres ay ang opening ng “The Greenery” sa Cebu na nagbahagi din ng ilang mga larawan sa kanilang Facebook Page.


Maaalalang nito lamang Agosto nang sumailalim si Ellen sa isang “mommy make-over” sa isang aesthetic center na naging dahilan upang paghinalaan ng marami ang muling pagbabalik niya sa show business. Nang parehong buwan din naman ay kumalat ang bali-balitang hiwalay na ang dalawa mula sa isang source.

Ayon sa source na ito ay Hunyo pa lamang ay nagkakaroon na ng problema sina Ellen at John Lloyd. Dagdag pa ng source ay nasa co-parenting stage na lamang silang dalawa. Nakipaghiwalay ang aktres dahil sa hindi diumano nito maintindihan ang kinikilos ng aktor.

Mayroon pa ngang umuugong na mga balitang naghain ng Temporary Protection Order (TPO) si Ellen laban kay John Lloyd sa isang local court sa Cebu. Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon at opisyal na pahayag mula sa magkabilang panig.

Si Ellen Meriam Go Adarna o mas kilala ng publiko bilang Ellen Adarna ay 31 taong gulang na aktres at modelo. Siya ay ang panganay at kaisa-isang anak ng kaniyang Filipina-Chinese na ina at Spanish na ama. Ang kaniyang pamilya ang nagmamay-ari ng ilang mga hotels, resorts, condominiums at Queensland, isang kilalang chain ng mga motel sa Cebu, Maynila at Davao. Nagmamay-ari din sila ng sarili nilang templo bilang alaala ng yumao niyang Lola. Siya ay una nang nakilala bilang isang internet celebrity.

Source: Pep



error: Content is protected !!