Isang mapagmahal na tito ang nag-iipon ng kaniyang sweldo upang mabilhan ng bagong laruan ang pamangkin, nakatanggap ng bagong SUV makalipas ang 15 taon

Isang mapagmahal na tiyuhin ang nag-iipon ng kaniyang sahod upang mabilhan ng laruan ang pamangkin nito ngunit hindi naman niya lubos akalain na mapapalitan pala ito ng mas higit pa sa kaniyang inaasahan. Dahil sa nakatanggap siya mula sa kaniyang pamangkin ng bagong SUV makalipas ang 15 taon at nang naging matagumpay na ang pamangkin.

Si Steven Elliott Ng ay lumaki sa isang mahirap na pamilya sa Tsina. Madalas siyang tumatanaw na lamang sa mga batang kapitbahay nila na naglalaro ng kani-kanilang mga gadget dahil sa hindi siya kayang bilhan ng kaniyang mga magulang nito. Bagamat hindi siya naiinggit ay nangarap din siyang sana ay magkaroon din siya nito kahit papaano. Sa wakas ay naranasan din niyang magkaroon ng isang PS2 nang magkaroon ng trabaho ang kaniyang tito. Nang mga panahon na iyon ay nakahanap ng trabaho ang kaniyang tiyuhin kung saan kumikita siya ng $400 ngunit sa halip na bumili ito ng kahit ano para sa kaniyang sarili ay binilhan niya ng PS2 ang pamangkin na si Steven gamit ang pinagpaguran at pinag-ipunan niyang pera. Ito ang hindi malilimutan ng bata pa noong si Steven.

Kahit pa nga bata pa si Steven noon ay nangako ito na balang araw ay makakaganti din siya sa ginawang ito ng kaniyang tiyuhin. Ngunit tinawanan lamang siya nito at ibinigay na ang PS2 sa bata at sinabing mahal niya ang pamangkin at hindi niya ito ginawa upang makatanggap ng kahit ano pa man sa pagdating ng araw.

Makalipas nga ang 15 taon ay sinorpresa ni Steven ng isang brand new SUV ang tito. Sinong mag-aakalang isang matagumpay na pala siyang negosyante ngayon na napabilang pa sa “30 under 30” ng Forbes Magazine noong 2018 dahil sa matagumpay na pagpapatakbo nito sa Elliott Havok isang brand ng mga high-end na relo at mga wallet.



error: Content is protected !!