Ivana Alawi nagpatutsada sa fake news na maaari siyang i-book sa halagang 4.7 million pesos sa loob ng dalawang oras!

Aminin man natin o hindi sadyang marami na talagang nagbago sa ating kaugalian at pamumuhay ngayon. Mapapansin naman natin ito sa nakasanayan na nating pang-araw-araw na mga gawain. Maaaring maraming mga bagay na nagbago ang nakabuti sa ating pamumuhay ngunit tila mayroon din talagang mga nakakasama o mayroong mga negatibong epekto.

Kagaya na lamang ng social media. Kung dati rati ay nakasanayan natin na mga liham o telepono lamang ang paraan ng pakikipag-usap at pakikipagkomunikasyon natin ngayon ay mayroon nang iba’t-ibang app at teknolohiya na maaaring gamitin upang makapagkamustahan ang pamilya o magkakaibigan na malayo sa isa’t-isa.


Ngunit sa kasamaang-palad ay naging hindi rin kanais-nais ang naging epekto ng social media sa ilang mga tao lalo na sa mga kilalang artista. Tulad na lamang ng nangyari kamakailan lamang sa Kapuso actress na si Jackie Rice na diumano ay nagkakahalaga ng 2 milyong piso ang kaniyang serbisyo sa “Manila Bookings”. Ikinabigla ito ng aktres ngunit tinawanan na lamang ang isyu.

At ngayon nga ay panibagong biktima na naman ng online booking fraud ang kumakalat sa social media at ito ay ang rising Kapamilya star na si Ivana Alawi na nagkakahalaga diumano ng 4.7 million pesos sa dalawang oras lamang na “service”. Sinagot naman ito ng aktres sa kaniyang socia media account at sinabing mayroong ngang mga kumakalat na larawan niya kung saan diumano ay nagbebenta siya ng serbisyo ngunit nilinaw niyang wala itong katotohanan lahat.

Aminado ang aktres na “hubadera” siya sa social media ngunit alam naman niya kung paano kumita ng pera sa maayos at malinis na paraan. Nagbiro pa ito ang sinabing madali lang pala makaipon ng 100 milyong piso kung tutuusin. Tunay ngang hindi nakabubuti ang mga ganitong isyu lalo na sa maraming mga kababaihan sa ating bansa ngayon.

Kung kaya naman dapat ay mas mag-ingat pa tayo sa paggamit ng social media at iba pang mga app na maaaring maging kasangkapan ng mga masasamang tao para sa kanilang pangsariling interes.



error: Content is protected !!