Katrina Halili pinasilip ang kaniyang old-style na tahanan sa El Nido, Palawan

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang hangaan ang ating mga paboritong artista hindi lamang sa kanilang angking kagandahan at kagwapuhan kundi dahil na rin sa kanilang pagmamahal sa kanilang larangan. Marami ding may artista ang nagsusumikap at nagpapagal na magtayo ng kanilang mga negosyo, at mga tahanan. Isa na marahil sa mga ito ay ang bagong tahanan ng Kapuso actress na si Katrina Halili.

Si Maria Katrina Iren Pe Halili o mas kilala ng marami bilang si Katrina Halili ay 33 taong gulang na aktres, commercial model, at negosyante. Nakilala siya sa Kapuso reality talent search na Starstruck at mas naging popular sa mga kontrabida roles sa maraming mga teleserye. Kung kaya naman binansagan siya ng publiko bilang “Primera Kontrabida” ng Pilipinas taong 2017.

Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa publiko ang kaniyang bagong investment na 13 ektaryang lupain sa El Nido, Palawan. Ito ay pinatayuan niya ng isang bahay na mayroong dalawang palapag at tatlong mga silid. Ang kaniyang tahanan na mayroong tema na old-style at minimalist style ay tinawag niyang “Katrina’s Farm”. Labis labis naman ang pasasalamat niya kaniyang ina na si Mommy Malou dahil siya ang tumutok sa pagpapatayo at pag-aayos nito.


Sadyang nakakarelaks ang disenyo ng tahanan ng aktres dahil sa halos puro kahoy ang ginamit dito. Kahoy ng Narra ang pinili ni Mommy Malou para dito dahil sa bukod sa maganda itong tingnan ay napakatibay din nito.

Ang sala ng kanilang tahanan ay mayroob isang mahabang kahoy na upuan para sa mga bisita at mayroon ding mga maliliit na ilaw na nagsisilbing mga chandelier. Naglagay din ng mga artipisyal na halaman si Mommy Malou para mas gumanda pa ang kanilang sala. Sa kanilang kusina naman ang makikita ang ilan pang mga kagamitang kahoy at maraming mga drawer na pinagtataguan ng mga gamit nila sa kusina.

Nasa ibabang parte naman ng kanilang tahanan ang dalawang guest room na mayroong sariling mga palikuran. Makikita rin sa kanilang tahanan ang malaking larawan ni Katrina na regalo sa kaniya ng FHM.

Simple mang maituturing ang bahay bakasyunan na ito ng aktres ay nakakapagrelaks at naeenjoy niya ang pamamalagi dito kasama ang anak niya na si Katy at iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Tunay ngang walang imposible sa taong nagsusumikap at mayroong pangarap sa buhay.



error: Content is protected !!