Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach angat na angat ang ganda sa New York Fashion Week suot ang kaniyang gown na mayroon 2,880 na mga kristal!

Rumampa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa finale ng show ni Albert Andrada sa ginanap na New York Fashion Week nito lamang Setyembre 7, 2019. Muli na namang pinatunayan ni Pia Wurtzbach na siya ang reyna pagdating sa pagrampa dahil sa napakaganda niyang pagdadala ng kamangha-manghang “white ball gown” ni Albert Andrada sa ginanap na New York Fashion Week. Siya ang bituing nagniningning sa pagtatapos ng show ng mahusay na designer para sa ikalawang araw ng two-day even na ito ng National Geographic Encounter Odyssey sa New York City.

Isang araw makalipas ng prestihiyosong event ay pinamangha niya ang kaniyang mga tagasubaybay sa Instagram dahil sa mga magagandang larawan niya suot ang obra maestra ni Albert. Talaga namang nagmukhang prinsesa ang ating beauty queen. Ang nasabing gown ay gawa sa mga Swarovski crystals na tinatayang aabot sa 2,880 na piraso.


Pagbabahagi pa ng sikat na designer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang “universe” ang naging inspirasyon niya sa paggawa ng napakagandang gown. “Pia’s gown in tulle was my own interpretation of the universe, filled with crystals like the thousand stars that show its radiance.”, pahayag ng sikat na designer.

Ang gown ni Pia na naglalarawan ng langit, ulap, at mga anghel ay parte ng kaniyang 15-piece all-white Illuminati Holiday collection. Talaga namang pinagbuhusan niya ito ng panahon at oras kasama pa ng 14 na mga gown na kaniyang ginawa nang halos dalawang buwan. At si Pia nga ang kaniyang perpektong modelo para sa kaniyang obra maestra.

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay kilala noon sa industriya ng show business bilang si Pia Romero, siya ay isang Filipina-German na modelo, aktres, at dating beauty pageant titleholder, matapos siyang koronahan noong Disyembre 20, 2015 bilang Miss Universe 2015. Bagamat hindi naging madali ang kaniyang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay at maging sa kaniyang karera ay talaga namang napagtagumpayan niya ang lahat ng ito at mas nagsumikap pa na maabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Source: Pep



error: Content is protected !!