Hayden Kho, Vicki Belo, at Toni Gonzaga magkakasama para sa unang araw ng kanilang klase sa Harvard University!



Magkakasamang sinimulan ng mag-asawang celebrity doctors na sina Hayden Kho at Vicki Belo, kasama ang Kapamilya actress at host na si Toni Gonzaga ang unang araw nila sa sikat at pamosong unibersidad na Harvard University. Ang tatlong sikat na personalidad na ito ay sinamahan pa ng Chief Creative Officer na si Garlic Garcia.



Sa 16 na oras na biyahe ng grupo patungo sa Estados Unidos ay nagbahagi ng ilang mga larawan si Garlic sa kaniyang social media account habang nag-aaral sila ng kanilang mga leksyon bilang paghahanda sa kanilang klase. Ibinunyag naman ni Hayden Kho na ang kanilang grupo ay magkakaroon ng isang special course” sa Harvard University.


“We’re here in Cambridge to attend a special course at the university where @victoria_belo learned all about lasers some 30 years ago. Can you guess what university this is?”, pagbabahagi ni Hayden sa kaniyang social media account.



Kasama ni Toni Gonzaga ang mister niya na si Direk Paul Soriano at anak nila na si Seve. Sa unang araw ng kanilang klase ay nagbahagi sila ng mga larawan sa kani-kanilang social media account. Si Toni ay may kuhang larawan kung saan mababasa sa isang banner sa prestihiyosong unibersidad na “Harvard University’s Division of Continuing Education”. Talaga namang makikita sa kanilang mga ngiti ang labis na kasiyahan at kagalakan. Nagbahagi pang muli si Hayden Kho ng isang larawan ng grupo kung saan nilagyan niya ito ng caption at sinabing:
“Ready for some mental heavy lifting today with classmates @victoria_belo, @bigbadbawang, and @celestinegonzaga. #LearnersForever”,pahayag ni Hayden.



Labis naman ang pasasalamat ni Garlic sa Diyos dahil sa pagkakataon na ibinayaya sa kanila upang magkasama-sama at pag-aaral muli.
“Thank you God for bringing us all together to learn together and grow together. Happy to learn with you and from you brother.” komento naman ni Garlic sa naunang post ni Hayden.

Sobra din namang nagpapasalamat ang aktres at host na si Toni Gonzaga dahil sa kaniyang mga natutunan mula sa iba’t-ibang mga lahi na kanilang kasama mula sa iba’t-ibang mga bansa at kompanya.




error: Content is protected !!