John Lloyd Cruz namataan sa isang tindahan ng isda sa Cebu!

Kahit pa nga mas pinili na lamang ng aktor na si John Lloyd Cruz na manahimik sa kabila ng kontrobersiyang kinahaharap nila ng kaniyang nobya na si Ellen Adarna ay sinisikap pa din nitong ipagpatuloy ang kaniyang pribadong buhay sa likod ng kamera.

Kamakailan nga lamang ay napabalita ang diumano’y pagkakalabuan ng kontrobersiyal na celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna at diumano ay nagsampa pa ng Temporary Protection Order (TPO) ang aktres laban sa aktor. Sa ngayon ay mayroon na silang isang taong gulang na anak na pinangalanan nilang Elias Modesto. Makalipas ang ilang linggo ay mayroon na namang bali-balitang nagkabalikan na muli ang dalawa.

Sinorpresa at pinasaya din naman ng aktor ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta sa tila muling pagbabalik ni John Lloyd sa kamera kasabay din ng pagbabalik ni Ellen Adarna sa showbiz sa kanilang endorsement. Sa kabilang banda ay kinagiliwan naman ng marami ang bagong look ng aktor na kumalat sa social media.

Namataan pa nga siya sa isang tindahan ng isda sa Cebu. Ayon sa Facebook page na MoalBukal, ang aktor ay nakitang bumibili ng isda sa “Moalboal Fish and Meat Market” nito lamang Setyembre 1 bandang 4 hanggang 5 ng hapon.


Pinagbigyan din naman agad ni John Lloyd ang kaniyang mga tagahanga na makapagpapicture sa aktor nang buong ligaya at saya. Ang suot ni John Lloyd ay isang itim na damit at pajama lamang, mayroon din siyang shades at bandana na marahil ay naging dahilan upang agad siyang mapansin ng marami. Mukha siyang masaya base na rin sa mga larawan.

Si John Lloyd Cruz ay 36 na taong gulang na aktor, modelo, at host. Nagsimula ang kaniyang karera sa showbiz nang maging parte siya ng ilang mga programa sa telebisyon at pelikula. Siya ay miyembro din ng Star Magic ng ABS-CBN kung saan siya ay kabilang sa Batch 5.



error: Content is protected !!