Ogie Alcasid niregaluhan ang anak na si Sarah ng napakagandang regalo sa kaniyang kaarawan!

Ang pagiging isang ama ay isang mabigat na gampanin. Ito ay hindi lamang isang responsibilidad bagkus isang pang habang buhay na obligasyon para sa mga magulang sa kanilang mga anak. Kahit pa nga tinapos na ng sikat na mang-aawit at komedyante na si Ogie Alcasid at Australian beauty queen na si Michelle Van Eimeren ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa noong 2007 ay hindi pa rin nakalimutan ng singer/hhlhobo hoou kaniyang obligasyon sa kaniyang mga anak sa dating asawa.

Si Ogie at Michelle ay biniyayaan ng dalawang magagandang anak na sina Leila, 21 taong gulang at si Sarah na 17. Siya ay ikinasal sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid at biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Nathan na ngayon ay 8 taong gulang na. Kahit pa nga malayo siya sa kaniyang mga anak ay pinipilit pa roobin niyang ipakita sa mga ito kung gaano niya kamahal ang mga anak kahit pa nga malaki ang distansiya nila sa isa’t-isa.


Kagaya na lamang ng sorpresang ginawa ni Ogie para sa kaniyang anak na si Sarah sa ika-17 taon nitong kaarawan. Lumipad si Ogie patungon Australia upang personal na makita at makasama ng anak at upang maibigay na rin niya ang kaniyang regalo.

Niregaluha niya ang anak ng isang bagong sasakyan para sa kaniyang kaarawan! Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Ogie na sinundo niya muna ang anak sa eskwelahan nito at saka niya sinorpresa pagkatapos. Talaga namang galak na galak at napakasaya ni Sarah sa regalong natanggap mula sa kaniyang ama.

Noong nakaraang taon lamang ay nagtungo sina Leila at Sarah dito sa Pilipinas upang samahan ang ama sa ika-30 anniversary concert nito na ginanap sa Araneta Coliseum. Ang dalawang anak ni Ogie ay naging bahagi ng naganap na show ng mahusay at beteranong mang-aawit. Kahit pa nga naninirahan sila sa magkalayong mga bansa ang relasyon ng pamilya ni Ogie ay talaga namang matibay at matatag bukod pa ang maayos at mabuting samahan ng dating asawa niyang si Michelle at ng misis niya ngayon na si Regine.



error: Content is protected !!