Opinyon ni Ricky Reyes patungkol sa SOGIE Bill, Transman, at Pagpapakasal ng mga LGBTQ+ umani ng sari-saring komento mula sa publiko



Isang mainit na paksa ngayon ang pagsusulong sa Kongreso ng Sogie Bill o ang Anti-Descrimination Law. Ang isinusulong na batas ay para sa pagprotekta sa mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender at iba pa upang maprotektahan sila sa mga diskriminasyon dahil lamang sa kanilang “$exual orientation” at “gender identity or expression”.



Naging maugong na usap-usapan ito dahil sa isang pangyayaring ikinagulat n publiko matapos na maaresto ang ksang transwlman dahil sa pagpila nito sa banyo ng babae sa isang mall sa Quezon City kahit pa nga mayroon nang anti-discrimination ordinance na pinapatupad sa lungsod. Ang nasabing transwoman ay nakilala kalaunan bilang si Gretchen Custodio Diez.


Ang nasabing insidente ay nagig mitsa upang magbigay ng kani-kanilang mga pahayag ang mga kilalang personalidad sa industriya ng show business at ilan pang mga netizens. Ilan nga sa mga kilalang artista na sumang-ayon sa pagsusulong ng nasabing batas ay sina Pia Wurtzbach, Anne Curtis, Bianca Gonzales, Vice Ganda at marami pang iba.
Kamakailan lamang ay mayroong isang video na kumakalat sa social media kung saan napahayag ng kaniyang komento si Ricky Reyes. Si Ricardo Enriquez Reyes, Jr o mas kilala ng publiko bilang si mother Ricky Reyes ay 69 na taong gulang na hairdresser, pilantropo, at negosyante. Siya rin ang may-ari ng isa sa pinakamatagumpay na salon sa bansa at nagkaroon din siya ng sarili niyang programa sa telebisyon na may pamagat na “Gandang Ricky Reyes”.


Ayon sa sikat na personalidad, hindi na dapat pang naisin ng kapwa niya mga LGBTQIA+ na magkaroon sila ng sarili nilang pangpublikong palikuran sa mga pangpublikong lugar. Dahil kung gugustihin nila ay maaari naman silang gumamit ng banyo ng mga kababaihan kung sila ay mayroon nang pribadong pag-aari ng isang babae o di kaya naman ay gumamit ng palikuran pang-lalaki kung sila ay mayroon pang pribadong pag-aari ng isang lalaki.



Dagdag pa niya ay kailanman ay hindi nila mapipilit ang mga tao na gustuhin sila at ang pagpupumilit na magkaroon pa ng palikuran para sa kanila ay hindi rin naman magbabago ng kaisipan ng maraming mga Pilipino tungkol sa kanila. Maging sa isyu ng pagpapakasal ng kaniyang mga kapwa LGBTQIA+ ay sinabi niyang hayaan na lamang sa mga babae at lalaki dahil ito ay para lamang talaga sa kanila. Nagbiro pa siya na kailanman ang isang bakla kahit pa gilingin mo ay baklang “hamburger” pa din ang kalalabasan.




error: Content is protected !!