Categories: NewsShowbizViral

Walk-in closet ni Cheska Garcia-Kramer talaga namang pangarap ng maraming mga kababaihan!

Si Cheska Garcia Kramer ay 39 na taong gulang na aktres at modelo mula sa Makati City. Siya ay anak ni Francisco Pablo Pellicer Garcia na isang “Spanish mestizo”, at ni Maria Celeste Dahlia Villalobos Velasco na isa namang Ilongga. Siya ang ikalawa sa tatlong magkakapatid. Ang bunso niyang kapatid na si Patrick Garcia ay isa ring kilalang aktor.

Habang ang kanilang kuya na si Pichon ay madalas din namang makita sa mga commercials. Ang aktres mga na sina Sharmaine Arnaiz at Bunny Paras na magkapatid ay pinsan nila. Taong 1992 nang magsimula si Cheska sa kaniyang karera sa show business. Kasama ang kaniyang kapatid na si Patrick ay lumabas sila bilang mga cast members ng “Ang TV” hanggang 1996.


Taong 2015 naman ng mabigyan siya ng hosting job sa programang “Mommy Hacks” na isang “parenting lifestyle show” sa CNN Philippines kasama si Rica Peralejo-Bonifacio. Sa mga teleserye ay kadalasan siyang gumaganap bilang kontrabida dahil na rin sa kaniyang maganda ngunit mataray na mukha.Oktubre 9, 2008 naman ng ikasal siya sa isang professional basketball player ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Doug Kramer. Biniyayaan sila ng tatlong mga anak sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle, at Gavin Phoenix. Nagdesisyon siyang iwanan na ng tuluyan ang industriya ng show business upang maging isang “full-time mom”.

Kamakailan lamang ay naging inspirasyon ang pamilya Kramer sa maraming mga pamilyang Pilipino dahil sa kanilang pagsusumikap na magkaroon at makapagpatayo ng sarili nilang tahanan. Ang kanilang tahanan ay talaga namang hinangaan at pinuri ng maraming mga netizen dahil bukod sa napakaganda at napakadetalyado nito ay talaga namang pinagbuhusan talaga nila ng panahon ang pagpapatayo ng kanilang “dream house”.

Bukod nga sa napakagandang bahay nila ay pumukaw din sa atensyon ng publiko ang “walk-in closet” ni Cheska na talaga namang napakalaki at nakakamangha. Sa katunayan ay hindi lamang ito ang pinakamalaking kwarto sa kanilang tahanan dahil ito ay mas malaki pa sa kanilang master’s bedroom. Nagkaroon nga ng pagkakataon sina Kendra at Scarlet na maipasilip sa maraming mga netizens ang paboritong spot ng kanilang ina sa kanilang tahanan. At talaga namang malulula ka sa napakaraming mga mamahaling sapatos, mga koleksyon ng bags, mga mamahaling alahas at marami pang iba! Tunay ngang “every woman’s desire” ang walk-in closet ni Cheska!

Source: Pep

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago