Isang batang lalaki nagtitinda ng balut para lamang masuportahan ang kaniyang pag-aaral!

Isang estudyante sa ikapitong baitang ang naging viral sa social media kamakailan lamang dahil sa pagtitiyaga nitong makabenta ng kaniyang mga balut kahit pa nga halata namang pagod at inaantok na siya. Ang batang naging usap-usapan online ay madalas pa lang napupuyat dahil sa pagtitinda para lamang kumita ng pera na magagamit niya sa kaniyang pag-aaral. Isang netizen na nakilala bilang si Areana Reanoga Tabalan ang nagbahagi ng larawan ng bata na ito na nakiusap sa kaniya kung maaari ba siyang mamahinga sa upuan dahil sa pagod at inaantok na siya.

Gabing –gabi na rin nang mga panahong iyon at dapat ay nasa tahanan na ang batang lalaki ngunit nagtitinda pa rin ito sa lansangan kahit pa nga ang pasok niya sa eskwela kinabukasan ay alas-syete ng umaga. Ngunit gustuhin man niyang umuwi na magpahinga ay hindi niya magawa dahil sa kinakailangan pa niyang magtinda ng balut at nagbabakasakaling maubos niya na ang mga ito bago siya umuwi sa kanilang tahanan. Ang batang ito pala ay wala nang ina at ang kaniya namang ama ay may sakit kung kaya naman pinagsusumikapan niya talagang magkaroon ng pangbaon sa araw-araw sa pamamagitan ng pagtitinda niya ng balut gabi-gabi.


Maraming mga netizens ang talaga namang pumuri sa bata na ito na talagang nagtitiyaga para sa kaniyang pangbaon sa eskwela. Kahit pa nga napakaraming mga pagsubok ang kaniyang kinahaharap sa murang edad niya ay hindi siya basta basta sumusuko kahit pa nga antok na antok na siya at pagod dahil galing din siya sa paaralan nang kinaumagahan.

Marami din namang mga tao ang nagsasabing karapat-dapat siyang tulungan at bigyan ng pagkakataon na magkaroon ng iskolarsyip para sa kaniyang pag-aaral. Ang bata na ito ay nakilala bilang si Jerahmeel Dela Cruz na madalas ding tawagin ng kaniyang mga kapitbahay sa Paradise, Malanday sa Marikina City bilang si “Memeng”.



error: Content is protected !!