Isang dalaga naaksidente bago pa man ang unang date nila ng nobyo, sa kabila nito ay naging tapat ang nobyo at nanatili sa piling ng nobya para alagaan ito!

Nagkakilala sila online at naging magkasintahan bago pa man sila magkita ng personal. Ngunit kahit pa nga naaksidente ang dalaga bago pa man ang kanilang unang date ay hindi pa rin siya iniwanan ng binata at sa halip ay inasikaso at inalagaan pa nga siya nito. Hindi nagsawa at napagod ang nobyo kahit pa nga kailangan niya itong gawin ng paulit-ulit sa loob ng tatlong taon. Taong 2015 nang magkakilala sina Narawut Phongyen at Patcharan Lenkham sa social media.

Kahit pa nga pareho silang nakatira sa ChiangMai sa Thailand ay pitong buwan pa rin silang nakuntento sa chat lamang at hindi pa nagkikita nang personal. Pebrero 2016 lamang nang napagdesisyunan nilang dalawa na magkita at mag-date.

Agad namang nagpa-reserve sa paborito niyang restawran si Narawut. Ngunit ilang araw bago ang kanilang unang “date” ay nakaranas ng isang aksidente si Patcharaphan dahilan upang malubhang matamaan ang kaniyang spinal cord at hindi na maigalaw pa ang kaniyang katawan mula sa leeg pababa.


Naigagalaw pa naman niya ang kaniyang ulo ngunit limitado na ang ilang bahagi ng kaniyang katawan. Naigagalaw niya din ang kaniyang kanang kamay at hinlalaki. Nang malaman ng nobyo ang nangyaring ito sa nobya ay agad niya itong pinuntahan. Kahit pa nga nakita niyang nasa mahirap na kalagayan ng mga sandaling iyon ang nobyo at ipinaalam sa kaniyang maaring tuluyan na siyang hindi makalakad ay hindi pa rin nagdalawang isip ang nobyong alagaan at asikasuhin ang mahal na nobya.

Araw-araw ang nagging pag-aalaga niya sa nobya, pinapakain, pinapaliguan at talagang inaasikaso niya ang dalaga. Kahit pa nga tatlong taon na niya itong ginagawa ay hindi pa rin siya napapagod at talaga namang ipinapakita niya sa dalaga at sa pamilya nito ang tunay at wagas niyang pagmamahal sa kaniyang nobya. Talaga namang maraming mga netizens ang naantig at namangha sa wagas na kwento ng kanilang pagmamahalan.



error: Content is protected !!