Isang lalaki nagtapos ng kursong medisina ngunit tinanggihan ang job offer bilang doktor upang maalagaan ang kaniyang ama na na-stroke!

Halos lahat naman tayo ay may mga ambisyon, may mga pangarap at ninanais pang makamit sa buhay. Ngunit hindi naman din lahat tayo ay mayroong kakayanan na makamit ang mga ito sa panahong inaasahan at ninanais natin dahil mayroong mga darating na pagkakataon na mas nanaisin natin na piliin ang ating mga mahal sa buhay. Kamakailan nga lamang ay hinangaan ng publiko ang isang Faiq Syukri na nagdesisyon na hindi muna ipagpatuloy ang kaniyang ambisyon para sa kaniyang ama na nakaranas ng stroke.

Pinili niya ang desisyon na iyon dahil sa nais niyang matutukan ng pag-aalaga ang ama niya nan a-stroke limang taon na ang nakararaan. Si Faiq ay nagtapos ng kursong medisina sa Royal College of Surgeons sa Dublin, Ireland. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya bilang isang financial advisor at tinutulungan din niya ang ina na asikasuhin ang kanilang pamilya dahil sa hindi na niya kaya pang makita ang paghihirap ng kaniyang ina na mag-isang nag-aalala sa ama na may sakit kasabay ng pag-aalaga at pag-aasikaso nito sa iba pa niiyang mga kapatid.

Ibinahagi niya sa isang panayam niya sa Harian Metro na matapos niyang makapagtapos noong taong 2017 ay mayroong nag-alok sa kaniya ng trabaho sa Batu Pahat Hospital. Ngunit talagang desidido na siyang ipagpaliban na muna ang kaniyang pangarap na trabaho para mapagtuunan ng pansin at ng kaniyang buong oras ang ama. Sa umpisa ay talaga namang umani ng napakaraming kritisismo ang kaniyang ginawang desisyon ngunit malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang mga mahal sa buhay na sinuportahan siya.


Para sa kaniya, anng pagtatrabaho niya bilang isang financial advisor ay binigyan siya ng mahabang oras at panahon para maalagaan ang kaniyang mahal na ama at matulungan din ang kaniyang ina kasabay nito ay ang pagkita din niya ng sapat na salapi para sa kaniya at sa pagsuorta para sa kaniyang mga kapatid. Marahil minsan ay hindi tayo maiintindihan ng mga tao sa ating paligid ang ating mga naging desisyon sa buhay ngunit kung mabuti at matapat naman ang ating intensyon ay siguradong mapagtatagumpayan ang ano mang mga pagsubok at hamon ng buhay.

Source: WorldOfBuzz



error: Content is protected !!