Categories: Viral

Para sa kaniyang unang araw sa trabaho, isang empleyado naglakad ng 20 milya makapasok lamang sa trabaho!

Isang lalaking estudyante mula sa Alabama ang nasiraan ng kaniyang sasakyan nang gabi bago ang kaniyang unang araw sa bago niyang trabaho. At ang tanging naisip niyang hinding-hindi niya gagawin ay ang hindi pumasok sa unang araw niya sa trabaho. Kung kaya naman naglakad siya ng 20 milya mula sa kanilang tahanan patungo sa kaniyang papasukan na trabaho.

Siya ay nakilala bilang si Walter Carr na naglakad nang buong gabi mula sa Homewood, Alabama, South patungo sa Pelham. Kailangan niya ang kaniyang trabaho sa Bellhops moving company kung kaya naman kahit batid niyang kakailanganin niyang maglakad ng pitong oras ay hindi niya ito sinukuan.  “I’ve never been that person that gives up. I’ve just never seen myself doing that. I can only be defeated if I allow myself to be defeated.” pahayag ng 20 taong gulang na si Walter.

Talaga namang kinabiliban siya ng marami dahil sa kaniyang ginawa kung kaya naman marami ang tumulong sa kaniya. Nagsimula siyang maglakad ng 11:40 ng gabi, Biyernes sa Homewood at nakarating naman siya sa Pelham ng Sabado 4:00 ng umaga ngunit malayo-malayo pa rin ang kailangan niyang lakarin upang marating ang taong binayaran niya upang maihatid siya sa lugar ng kaniyang pagtatrabahuhan. Napansin naman siya ng nagpapatrolyang pulis ng Pelham na si police officer Mark Knighten ang hingal na hingal na si Walter kung kaya naman itinabi nito ang sasakyan at tinanong kung ano ang nangyari kay Walter.


Labis namang bumilib ang pulis kay Walter kung kaya naman nilibre niya ito at ng dalawa pa niyang kasamahang pulis ng almusal at tanghalian at pinagpahinga sa isang malapit na simbahan bago pa man magsimula ang kaniyang trabaho ng alas-otso ng umaga. Binigay ng Bellhops CEO na si Luke Marklin ang kaniyang sariling “2014 Ford Escape” nang mabatid nito ang kwento ni Walter na kumalat sa social media. Talaga namang naging kahanga-hanga at naging napakalaking inspirasyon ng kwento ni Walter sa marami pang mga empleyado lalo na sa mga kabataan.

Source: CNN

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago