Aljur Abrenica, Robin at Mariel Padilla, nagsabwatan para sorpresahin si Kylie Padilla ng magarang baby shower!



Nasorpresa ng todo at talaga namang masayang-masaya si Kylie Padilla sa ginawang sorpresa ng kaniyang mister at pamilya para sa kaniyang bonggang baby shower. Narito ang naging pagbabahagi ni Mariel Rodriquez-Padilla sa kaniyang social media account:


“An intimate Surprise Baby Shower for one of my most favorite human beings @kylienicolepadilla. It would not have been possible without the help of @robinhoodpadilla @ajabrenica and @alleahabrenica. Thank you so much to everyone who came and made baby A.R. feel extra special.” Pahayag ng It’s Showtime host.

Labis labis naman ang naging pasasalamat ni Kylie kina Mariel at Robin Padilla para sa sorpresang kaniyang natanggap kasama pa ang kaniyang mister na si Aljur Abrenica sa bonggang baby shower nito.




” Thank you again for making these magical moments happen… I’ll be making sure AR knows everything you do for him.” Komento pa ng napakagandang preggy mommy.
Si Kylie Nicole Sicango Padilla-Abrenica o mas kilala ng publiko bilang si Kylie Padilla ay 26 na taong gulang na Filipino-Australian na aktres, modelo, at endorser. Siya din ay kilalang anak ng isang beteranong aktor na si Robin Padilla. Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay 49 na taong gulang na aktor, screenwriter, prodyuser at director. Kilala man siya bilang “Bad Boy” ng pelikulang Pilipino sa kaniyang mga natatanging pagganap sa ilang mga pelikula tulad ng Anak ni Baby Ama, Grease GÜn Gang, Bad Boy 1, at Bad Boy 2. Siya ay mayroong pitong mga anak sina Kylie, Queenie, Ali, Zhen-Zhen, Maria Isabella, Mico Padilla at Camille Orosa.

Talaga namang nasorpresa ang publiko dahil sa ginawang ito ng mister at pamilya ni Kylie. Tunay ngang hindi naging madali ang pagbubuntis ng isang babae ngunit kung mayroon ka namang mga mahal sa buhay at asawa na walang sawang nagmamahal, nag-aalaga, at sumusuporta sa iyo ay talaga namang walang magiging mabigat na problema o pinagdadaanan.



error: Content is protected !!