Claudine Barretto isiniwalat sa publiko kung paano nga ba talaga siya tratuhin ni Gretchen Barretto sa likod ng kamera!



Naging usap-usapan nga ang pakikipagbati ng batikang aktres na si Claudine Barretto sa kaniyang kapatid na si Gretchen Barretto na nakaalitan din niya ng ilang taon. Sa isang artikulo sa Metro Magazine ay ibinahagi ni Claudine kung paano nga ba siya tinatrato ng kaniyang kapatid. Ikinuwento niya na ang kapatid na si Gretchen, at ang partner nitong si Tonyboy Cojuangco ang tumutulong sa kaniya ngayon na palakihin ang kaniyang mga anak.



Narito ang naging pahayag ni Claudine sa panayam sa kaniya ng Metro Magazine. “For the longest time, I was doing it single-handedly. But thank God, I have Gretchen in my life now and Dada (Gretchen’s partner, Tonyboy Cojuangco) and her family and her friends to help me raise my children. Hindi ako nahihiya magsabi na she’s helping me raise my children.”

Talaga namang mas naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa matapos ang kanilang pinagdaanan noon. Tunay nga na wala nang makahihigit pa sa lukso ng dugo ng magkakapamilya na kahit na ano pa mang pagsubok at problema ang pagdaanan ay magiging maayos pa rin ang lahat sa bandang huli.




Si Claudine Margaret Castelo Barretto o mas kilala ng publiko bilang si Claudine Barretto ay 40 taong gulang na aktres, product endorser at entrepreneur. Siya ay unang napanuod noong taong 1992 sa ABS-CBN youth-oriented variety show na “Ang TV”.


Matapos nito ay naging bahagi siya ng isang comedy sitcom na pinamagatang “Home Along Da Riles” na nagkaroon ng pelikula noong 1993 na naging film debut niya din. Ang kauna-unahan nanan niyang drama sa telebisyon na ginampanan ay ang “Mula sa Puso” noong 1997 na nagtagal ng tatlong taon at talaga namang tumatak sa puso ng maraming mga Pilipino.

Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong Marso 2006 ngunit nauwi rin sa diborsyo ng taong 2013. Sila ay biniyayaan ng dalawang mga anak sina Sabina at Santino Santiago. Taong 2015 nang ampunin ni Claudine ang batang pinangalanan niyang Quia Barretto.




error: Content is protected !!