Jimuel Pacquiao, binilhan ng isang magarang sasakyan ng kaniyang ama na si fighting senator Manny Pacquaio!



Kamakailan lamang ay nasorpresa at tila nainggit ang maraming mga netizen dahil sa napakagandang sasakyan na binili ni Manny Pacquiao para sa kaniyang anak na si Jimuel. Ang mamahaling sasakyan na ito ay nakuhanan ng video at napanuod ng maraming mga netizens sa YouTube channel na Team Sisson na mayroong pamagat na “Pacquiao buys son his first car”. Ang mamahaling sasakyan ni Jimuel ay isang Corvette Stingray red sports car. Agad din naman itong minaneho ng binata sa kanilang mamahalin at eksklusibong sabdibisyon.


Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang viral video na ito at talaga namang namangha ang marami sa pagreregalo ni Manny Pacquiao sa kaniyang anak ng isang mamahaling sasakyan. Ang ilan naman sa mga netizens ay labis na namangha sa angking ganda ng magarang sasakyan.



Habang marami din naman ang nangarap na sana ay magkaroon din sila ng ganoon pagdating ng panahon. Ayon sa ilang mga ulat, ang presyo ng Corvette Stingray ay nagsisimula sa $55,500 habang ang Corvette Grand Sport naman ay nagsisimula sa halagang $65,500 at ang Corvette Z06 naman ay nasa $79,495.


Si Jimuel Pacquaio ay anak ng legendary boxer na si Manny Pacquiao o kilala din bilang si Emmanuel Dapidran Pacquiao, anak siya ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Hindi naging madali ang pamumuhay ng pamilya nila noon.


Ngunit talaga namang nagsumikap siya sa buhay at pinagtuunan ng atensyon ang pagboboksing kung kaya naman hindi na nakapagtataka na maging matagumpay sila ngayon. Hindi rin lingid sa ating kaalaman ang kanilang pagtulong at pagmamalasakit sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kapus-palad at hirap sa buhay.




Ang pamilya nila ay isang patunay na walang imposible sa taong mayroong pangarap sa buhay basta’t magsusumikap lamang ng husto. Kung magkakaroon lamang tayo ng matatag na pananampalataya at pagtitiyaga ay tiyak na makakamit din natin ang tagumpay.




error: Content is protected !!