Korina Sanchez, ibinahagi sa social media kung gaano ka-close ang kaniyang kambal sa ama nila na si Mar Roxas!



Si Korina María Baluyut Sánchez-Roxas o mas kilala bilang si Korina Sanchez ay 54 taong gulang na broadcast journalist, television news anchor, senior field correspondent, magazine show host, radio anchor at newspaper columnist. Sa kasalukuyan, siya ang “Chief Correspondent for the Integrated News and Current Affairs Division” ng ABS-CBN ABS-CBN Corporation.



Mayroon siyang regular column sa “The Philippine Star” na may pamagat na “That Does It”, maging sa Tagalog column nito na “K Ka Lang” sa Pilipino Star Ngayon. Siya rin ang misis ni Mar Roxas, ang dating Secretary ng Department of Interior and Local Government.

Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa social media ang closeness ng kaniyang mister at kambal na sina Pepe at Pilar na talaga namang hinangaan ng publiko. Maraming mga netizens ang hindi napigilan na humanga sa cute na cute na kambal ng mag-asawa na sina Pepe at Pilar. Sa ngayon ay nakatuon muna ang atensyon ng dating senador at kalihim sa kanilang mga anak.




Madalas ay nakukuhanan ni Korina na magkahawak kamay ang kaniyang mga anak. Minsan nga ay nagpost ito ng larawan ng kaniyang kambal na mayroong caption na:
“Kay sweet naman ng kambal na ito. Madalas silang ganyan. Holding hands.” Pahayag ng batikang newscaster.


Mayroon din itong ibinahaging larawan sa kaniyang Instagram kung saan tila ginugulo ni Pepe ang buhok ng kaniyang ama. Ayon kay Korina, si Pepe lamang ang may karapatang gumulo sa buhok nito. Tunay nga na nakamamangha na makakita ng ganitong mga larawan ng isang masayang pamilya, larawan ng pagmamahal at pagkalinga sa anak ng kanilang mga magulang.

Ang pagkakaroon ng isang mabuti at responsableng ama ay talaga namang biyaya mula sa Diyos. Hindi lahat ng mga bata o ng mga anak ay nabibigyan at nagagantimpalaan ng ganitong uri ng mga magulang at pamilya. Kung kaya naman marapat na magpasalamat tayo sa mga bagay na ating tinatangkilik sa araw-araw lalo at higit sa mga taong mahal natin at mahal tayo.




error: Content is protected !!