Kris Aquino ibinahagi sa social media ang naganap na enggrandeng party ni Willie Revillame!



Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino ay mas kilala ng publiko sa pangalang Kris Aquino. Siya ay 48 taong gulang na host, aktres, endorser, negosyante, at prodyuser. Siya ay binansagan din bilang “Queen of All Media”. Hindi na rin mabilang ang kaniyang mga matagumpay na talk shows at game shows, napabilang na rin siya sa ilang mga pelikula at programa sa telebisyon, sa kasalukuyan ay nakikita at napapanuod sa social media at sa kaniyang mga vlogs.



Ang ilan sa mga kilalang pelikula na kaniyang ginampanan ay ang “debut film” niya na pinamagatang ‘Pido Dida: Sabay Tayo” at ang kaniyang mga horror film na Feng Shui at Sukob na tinanghal din bilang highest-grossing Filipino film sa taong 2006. Kilala rin siya bilang isa sa “top celebrity product endorser” sa bansa at pilantrapo na mayroong adbokasiya patungkol sa “lupus awareness”, “children’s rights”, “LGBT rights”, “culture and art appreciation”, “freedom of expression” at ‘democratic reforms”.


Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng video sa social media na agad din namang nag-viral. Ito ay ang pasilip sa enggrandeng party ng isa pang kilalang personalidad na si Willie Revillame. Dinaluhan ng sikat na personalidad ang nasabing party ng sikat na host at komedyante kasama ang kaniyang mga anak na sina Joshua at Bimb. Ipinakita niya ang napakagandang rooftop at helipad ng Wowowin host sa napakagara nitong Wil Tower.


Talaga namang nasiyahan ang mag-iina sa enggrandeng party ni Willie at labis labis ang naging pasasalamat ni Kris sa mainit na pagtanggap ni Willie, ng kaniyang mga katrabaho, at kaniyang pamilya sa kanilang mag-iina. Samantala ay umani naman ng sari-saring komento mula sa maraming mga netizen ang naging magarang pagdiriwang na ito ni Kuya Wil.


Tunay ngang hinahangaan ng maraming mga tao si Willie Revillame dahil sa kaniyang pagtulong at pagmamahal sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga nangangailangan at kapus-palad.






error: Content is protected !!