Isang netizen ang nagbahagi ng inspirasyon at pagkilala sa mga misis at nanay sa kaniyang Facebook post na umani ng mga positibong komento



Kamakailan lamang ay umani ng sari-saring komento mula sa publiko ang isang netizen na nakilala bilang si Cass Brion ng Bibong Pinay na nagbigay ng paalala, inpirasyon, at pagkilala sa maraming mga kababaihan.



Tunay ngang hindi isang madaling responsibilidad ang pagiging isang ina, at asawa. Malimit ay makakaranas tayo ng pago at hirap sa ating ginagawa ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin tayo tumitigil at napapagod na gawin ang mga bagay na dapat nating gawin.


Marahil ay marami din sa atin ang nakakaranas nang sobrang pagod sa lahat ng mga gawaing bahay, sa ating mga trabaho, at maging sa ating pag-intindi sa ating pamilya ngunit nananatili pa rin tayong matatag sa lahat ng mga hapon ng buhay.


Isang napagandang biyaya mula sa Diyos ang pagkakaroon ng isang masaya at kuntentong pamilya. Ang magkaroon ka ng isang mapagmahal at asawang sumusuporta sa iyo at sa iyong mga ninanais sa buhay ay higit pa na mas mahalaga sa kahit gaano kalaking halaga ng salapi.



Ang pagiging isang ina rin naman sa ating mga anak ay hindi rin mababayaran ng salapi o kahit ano pa mang mamahaling bagay. Ang pagdadalang-tao at pagsisilang ay isang bagay na tatatak sa ating mga puso at isipan bilang mga babae sa pang-habang buhay.


Kung kaya naman pinaalalahanan ni Cass Brion ang lahat ng mga ilaw ng tahanan na hindi naman sila dapat ma-guilty kung sakaling naisin nila na kahit sandal ay makapagpahinga o di kaya naman ay kahit sandal ay isipin ang kanilang mga sarili pagkatapos nilang gawin ang kanilang mga dapat gawin sa kanilang mga tahanan o sa kanilang pag-asikaso sa kanilang mga anak. Dagdag pa niya ay mas marapat na kahit papaano ay bigyan natin ng halaga at pagmamahal ang ating sarili dahil sa pamamaraang ito ay mas makapagbibigay tayo ng pagmamahal sa ating asawa at mga anak. Umani ng sari-saring mga komento, papuri, at reaksyon mula sa publiko ang nasabing post na sa kasalukuyan ay mayroon nang 8.8 libo na mga reaskyon, 1.5 libong mga komento, at higit sa 10 libong mga “shares”.




error: Content is protected !!