OFW na misis, nagreklamo kay Tulfo para makipaghiwalay sa mister kasa-kasama pa ang bago niyang nobyo!



Nagulat ang publiko sa kwento ng mag-asawang sina Lovely at Roberto Fragata. Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang misis na Overseas Filipino Worker mula sa Oman upang makipaghiwalay na sa kaniyang mister ngunit kasa-kasama pa nito ang kaniyang bagong nobyo na nakilala niya sa Saudi. Nakausap din ng sikat na host na si Raffy Tulfo ang mister ni Lovely na si Roberto Fragata patungkol sa nais mangyari ng kaniyang dating misis. Sila ay legal na ikinasal ngunit sa ngayon ay walong taon na silang hiwalay.

Pag-amin pa ng dating mister ay alam na niyang mahilig mangolekta ng mga lalaki ang kaniyang misis kung kaya naman hinahayaan na niya ito sa gusto niyang gawin. Ayon pa sa kaniya ay kilala ang kaniyang misis sa pagiging “asawa ng bayan” sa kanilang lugar. Inilarawan pa niya ang ito na pabayang ina sa kanilang tatlong mga anak. Naikwento ni Roberto na iniwanan at pinabayaan ni Lovely ang anak nila na mayroong “hydrocephalus” na mag-isa sa kanilang tahanan nang walang ilaw at walang nag-aalaga para lamang makasama ang kaniyang kalaguyo noon.


Pagkukwento naman ni Lovely ay hindi siya naging masaya sa pakikisama sa kaniyang asawa dahil puro hirap at pasakit na lamang ang naranasan niya dito kahit noon pa man. Ito pa diumano ang nag-udyok sa kaniyang humanap ng ibang lalaki na makakapagbigay sa kaniya ng pera na madalas niyang hingiin sa mister, pera na dapat sana ay para sa kaniyang mga anak.

Dumating din ang pagkakataon noon na nagkasakit ang kanilang anak ngunit mas minabuti ni Roberto na hayaan na lamang sila, ayon pa sa kaniya ay kung mamamatay ang kanilang mga anak ay ihukay na lamang niya ito ng libingan.oberto na hayaan na lamang sila, ayon pa sa kaniya ay kung mamamatay ang kanilang mga anak ay ihukay na lamang niya ito ng libingan. Ayon naman kay Henry Andres ay wala siyang kaalam-alam na kasal pala ang kaniyang nobyang si Lovely sa mister nito. Ngunit hindi ito sinang-ayunan ni Lovely dahil noong una pa lamang ay nilinaw na niya ang lahat kay Henry bago pa man sila naging magkarelasyon.




error: Content is protected !!