Saksihan ang napakaganda at enggrandeng selebrasyon ng ika-16 na taong kaarawan ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin



Nito lamang Agosto 3 nang ipagdiwang ng panganay ni Ruffa Gutierrez sa dating mister na si Ylmaz Bektas na si Lorin ang kaniyang ika-labinganim na taon niyang kaarawan. Upang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito ay nagkaroon siya ng isang selebrasyon na dinaluhan ng maraming mga artista at kilalang personalidad na ginanap nitong Sabado, ika-31 araw ng Agosto. Saktong dalawampu’t walong araw matapos ang aktwal na araw ng kaniyang kaarawan.



Ang napakagandang panganay ni Ruffa ay nagsuot ng isang puti at maningning na two-piece dress na mayroong mga asul at lilang kulay na likha ng isang kilala na evening gown designer na si Rosenthal Tee. Ang kaniyang “two-layered necklace” at “dangling earrings” din ang kumumpleto sa kaniyang “elegant and classy look”.

Ang tema ng kaniyang sweet 16 birthday celebration ay “music festival-theme”. Ito at idinaos sa Whitespace Manila sa Makati. Ayon sa ibinahaging post ng kaniyang ina na si Ruffa ay talaga namang naging hands-on sa event na ito ang kaniyang kapatid at tito ni Lorin na si Raymond Gutierrez. Si Raymond Gutierrez ay ang nag-isip ng konsepto at naging punong-abala sa nasabing okasyon.




Mapapansin sa mga social media posts ng ilang mga artista sa kani-kanilang mga online posts ang sta-studded na makulay na event na ito, kagaya na lamang ng ilan sa Gutierrez clan kasama sina Ruffa, Sarah Lahbati, Richard Gutierrez at mga anak nila, Raymond Gutierrez, Annabelle Rama, at Eddie Garcia. Ang pamilya Gutierrez ang isa sa pinakakilalang pamilya sa industriya ng show business.


Ilan pa sa mga kilalang personalidad sa industriya ng show business ay namataan din sa pagdiriwang na ito ng kaarawan ni Lorin gaya na lamang nina Lucy at Richard Gomez, Bongbong Marcos, Chavit Singson, Vicki Belo, at mister nito na si Hayden Kho. Ang iba pang mga sikat na artistang dumalo dito ay ang mag-inang sina Julia at Marjorie Barretto, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Kobe Paras, Jackie Forster, Mariel Padilla, Charlene Gonzalez, at Angelina Cruz.

Si Lorin Gabriella Gutierrez Bektas ay isang Filipina-Turkish na modelo na isa sa dalawang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sinundan ni Venezia Lora Gutierrez Bektas.




error: Content is protected !!