122 taong gulang na babae mula sa Negros Occidental maaaring masungkit ang pagiging “world’s oldest person”



Isang matandang babae mula sa Negros Occidental ang masayang nagdiwang ng kaniyang ika-122 taong kaarawan. Siya ay nakilala bilang si Francisca Susano o si Nanay Francisca na ipinanganak noong Setyembre 11, 1897 sa Oringao, Kabankalan City sa Negros Occidental.



Ayon pa sa ilang mga records, si Nanay Francisca ang pinakamatandang tao sa Pilipinas at siya rin ang natatanging buhay pa sa mga isinilang noong 1800s. Sa katunayan ay mas matanda pa siya ng isang taon sa pagdideklara ng kasarinlan ng Pilipinas na naganap noong Hunyo 12, 1898. Ayon sa kaniyang pamilya ay naipasa na nila ang mga kinakailangang dokumento sa “Guinness Book of World Records” upang maideklara at makilala siya bilang pinakamatandang taong nabubuhay sa buong mundo.


Mula 13 September 2019, ang nakatalang pinakamatandang tao na nabubuhay sa mundo ay mula sa Japan na nakilala bilang si Kane Tanaka na 116 taong gulang at 254 na araw na ang tanda. Sadyang naging makulay at masaya ang buhay ni Nanay Francisca dahil sa biniyayaan siya ng 14 na mga anak ngunit walo na lamang sa mga ito ang nabubuhay sa ngayon. Ang panganay sa kaniyang mga anak ay buhay pa sa edad na 100 taong gulang. Mayroon na ding 364 na mga apo at apo sa tuhod ang matanda na halos apat na henerasyon na ng kanilang lahi.


Isa sa kaniyang mga apo na si Helen Cachero ay sinabing kayang-kaya pang magsalita at makarinig ng kanilang lola sa kabila ng edad nito. Ibinunyag naman ni Nanay Francisca na ang sikreto sa mahabang buhay ay ang pagkain niya ng mga sariwang gulay na mula pa sa kanilang sariling bakuran. Maraming mga netizen ang nagnanais na mapabilang ang matanda sa “Book of Guinness” dahil sa edad na 122 taong gulang ay nakakarinig at nakakapagsalita pa siya. Marami din ang bumati sa kaniyang napakagandang kaarawan.





error: Content is protected !!