Angel Locsin hindi dumalo sa ABS-CBN Ball ngayong taon upang i-donate na lamang ang kaniyang gagastusin diresto sa Bantay Bata



Si Angelica Locsin Colmenares o mas kilala ng publiko bilang si Angel Locsin ay 34 taong gulang na aktres, modelo, prodyuser, at fashion designer. Siya ay sumikat at nakilala sa kaniyang mahusay na pagganap bilang Alwina sa 2004 fantasy-themed television series na Mulawin at sa Darna na isang TV adaptation ng Mars Ravelo comics.



Una siyang naging Kapuso artist ngunit taong 2007 naman nang lumipat siya sa kalaban nitong network na ABS-CBN Entertainment. Agad naman siyang nabigyan ng role bilang si Lyka sa television series na Lobo. Sa ngayon ay ginagampanan niya ang karakter ni Rhian Bonifacio sa ABS-CBN teleserye na “The General’s Daughter”. Marami ang talaga namang humanga sa kaniyang mahusay na pagganap sa nasabing programa na talaga namang nagpapatunay kung bakit isa siya sa pinaka-hinahangaang aktres ng kaniyang henerasyon.


Kamakailan lamang ay ginanap ang ABS-CBN Ball o mas kilala dati bilang Star Magic Ball, kung saan naging maugong na usap-usapan kung bakit nga ba hindi siya nakitang rumampa o dumalo sa nasabing pagdiriwang para sa Bantay Bata 163. Ito ang naging pahayag niya:



“I salute my friends at the ABS-CBN Ball who are doing their share to promote awareness on children’s rights and to help the beneficiaries of Bantay Bata 163 get the education that everyone deserves. As for me, I decided to do my share in a way that I could probably be more of use. I think it would be better for me to donate directly to Bantay Bata the amount that I’m supposed to spend in the ball. It’s not much, but will help make a difference to someone else’s life,” pahayag niya.


Nanawagan din siya sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta na mag-donate sa Bantay Bata 163 para na rin makatulong sa maraming mga kabataan na magkaroon ng maayos at magandang kinabukasan.Ayon sa isang artikulo ng ABS-CBN news, mula nang maitatag ni Gina Lopez ang Bantay Bata 163 ay nakaresponde na sila sa 400,000 na mga tawag sa kanilang hotline at nakapagsalba ng 1,800 na mga bata naabuso, nakatulong sa medikasyon ng 77,000 mga kabataan,at nakapagbigay ng 6,400 na mga iskolarsyip sa ilang mga kabataan.

Source: Abscbn