Categories: NewsShowbizViral

Ito pala ang napakagandang rest house ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig sa Alfonso, Cavite!

Ang 34 na taong gulang na dating aktres at ngayon ay isa nang mom-entrepreneur na si Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda o mas kilala bilang si Neri Naig ay mayroong isang “private events venue” na nakilala sa pangalan na “Miranda’s Rest House”.

Ang napakagandang rest house ng mag-asawa ay nasa huling yugto na ng kanilang pagpapaayos. Ito ang kauna-unahang business venture at rest house ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig.

Ibinahagi ni Neri sa kaniyang Instagram account ang update sa matatapos na nilang rest house na mayroon pang “aerial shot”. Ipinagmalaki niya rin na magiging masaya ang mga pamilyang magtutungo sa kanilang events venue. Mag-eenjoy ang buong pamilya sa pagbabonding at sa mga amenities na kanilang ibibigay sa kanilang mga kliyente.

“Miranda’s Rest House! See you in 3 months! Matatapos na talaga! @mirandasresthouse. Eto yung FIRST business venture namin ni Chito bilang mag asawa. FIRST family business, bwahaha! I gave in! Wais siya kase nung pumasok na siya bilang investor at partner, buo na yung lugar. Beautification at renovation nalang for some parts.Kung ako ang #WaisNaMisis, siya naman ang #MasWaisNaMister! Haha! Yes, nakinig ako sa mga suggestions nyo na sana may swimming pool. Kaya naglagay na kami. Di lang kita yung events place sa bandang dulo, but I will post updates ng @mirandasresthouse soon!” pahayag ni Neri.


Nagbahagi din ang celebrity mommy ng ilang mga payo para sa iba pang mga kababaihan na nangangarap at nagpapaplano din na magkaroon na sarili nilang mga negosyo at mga ari-ariang sinikap nilang maipundar.


“Sa lahat ng mga mommies, misis, o kahit hindi pa misis, na nangarap katulad ko, kapit lang! Kayang kaya yan! 5 years ago, hindi ko man akalain na matutupad isa isa ang mga pangarap ko. Pero dahil sa sipag at tyaga, pananalig sa sarili at kay God, determinasyon at focus, matibay na support system, di impossible yan sa mga taong nangangarap.” Dagdag pa niya.

Bukod dito ay mayroon pang ilang mga negosyo si Neri tulad na lamang ng rental cottage niya sa Tagaytay, bottled gourmet tuyo, ang dalawang bakeries niya, isa sa Alfonso, Cavite at isa sa Tagaytay. Mayroon din siyang “ukay-ukay” shops, at online shop.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago