Marjorie Barretto, ganap nang isang lola na labis ang kagalakan dahil sa bagong silang na sanggol ng anak niyang si Dani



Si Marjorie Barretto ay larawan ng isang tunay na lola na nananabik sa kaniyang bagong silang na apo. Ito ay matapos na isilang ni Dani Barretto ang kaniyang sanggol. Naging emosyonal si Marjorie nang makita ang kauna-unahan niyang apo na si Baby Millie.



Si Baby Millie ang panganay na anak nina Dani Barretto at mister nito na si Xavi Panlilio. Pinangalanan nila ang kanilang bagong silang na anak na Camilla Marguerite Panlilio. Tunay nga na buong pamilya nila ay nagalak sa panibagong miyembro sa kanilang pamilya. Nagbahagi din ng nakaka-touch na mensahe si Marjorie sa kaniyang social media account patungkol sa magandang balitang ito para sa kaniyang buong pamilya.


“I believe in God’s perfect timing. Dearest Millie, you came at a time in our lives when we needed to feel God’s presence the most. Today as my first grandchild was born, I was reminded of God’s amazing love for me and my children.” pagbabahagi ng aktres.






Dagdag pa niya ay labis na napuno ng kaligayahan at pagmamahal ni Baby Millie ang kanilang mga puso. “Welcome to the world Camilla Marguerite Panlilio. Our little Millie. You’re not even a day old and yet our hearts are already overflowing with love for you. Proud of you, Dani and Xavi.” pahayag ni Marjorie.



Marami ding mga sikat na personalidad ang nagbahagi ng kani-kanilang mga pagbati sa pamilya. Ilan sa kanila ay sina Ruffa Gutierrez, Cheska Kramer. Kasabay nito ay ang pagbabahagi din ni Dani ng kaniyang “touching message” sa kaniyang unang baby:
“My heart and soul in one picture. Lord, you’re amazing. Thank you! Hello everyone! Meet our Daughter, Camilla Marguerite B. Panlilio. You can call her MILLIE. #MyMillieGirl”, saad pa ni Dani.



Talaga nga namang isang napakagandang biyaya mula sa Diyos ang pagiging isang ina at ang pagkakaroon ng isang anak na iyong gagabayan at palalakihin bilang isang mabuting tao sa mahabang panahon.






error: Content is protected !!