Floyd Mayweather, Jr. ipinasilip sa publiko ang koleksyon niya ng mga mamahaling relo!



Tunay ngang isa si Pretty Boy Floyd “Money” Mayweather, Jr. sa mga hinahangaang boxer sa kasaysayan. Siya ay mayroong 50-0 win-l0ss record at nasa tinatayang $1 bilyon ang kaniyang net worth. Ayon na rin sa bansag sa kaniya bilang “Money” ay talaga namang malulula ka sa presyo ng mga mamahaling relo nito. Malimit na nagbabahagi ng kaniyang mga magagara at mamahaling mga pag-aari si Mayweather, Jr. sa kaniyang mga Instagram post.



Sa pinakabagong Instagram post niya ay ipinasilip niya ang napakarami niyang koleksyon ng mga relo na mayroong iba’t ibang klase ng mamahaling mga bato katabi pa ng mga mamahalin niyang mga alahas. Ang nasabing social media post ay mayroon lamang simpleng caption na #TMT, na ang ibig sabihin ay “The Money Team”. Ayon sa pagbabahagi ng Urban Dictionary ay pinauso daw ng undefeated boxer ang abbreviation na ito upang maging motibasyon para sa kanyang mga fans na kaya rin nilang kumita ng pera.


Bagamat hindi ito ang naging unang beses nang kaniyang pagbabahagi sa social media ng kaniyang mga mamahaling relo ay nagugulat pa rin ang maraming mga netizen dahil sa kamakailan lamang ay bumili pa nga siya ng isang luxury watch na nagkakahalaga ng $18 million dollars. Ang kaniyang relo ay tinatawag na “The Billionaire Watch” na mula sa manufacturer na Jacob and Co. Hindi na nakapagtataka na nakakalula ang presyo ng kaniyang relo dahil sa napapalamutian ito ng diamond na hinati mula sa isang 260-carats na diamante. Bawat isang butil ng diamond sa relo ay sinasabing tumitimbang ng 1.5 carats. Ang mamahaling relo ay gawa rin ito 18-carats na white gold.


Bukod sa “The Billionaire Watch” ni Mayweather, Jr. ay mayroon pa siyang Richard Mille (RM) 59-01 Tourbillon Yohan Blake watch na nagkakahalaga ng $620,000, Patek Philippe Nautilus 5723/1R in pink gold with rubies na may presyong $350,000 at ilan pang mas ‘simpleng’ na hindi bababa sa $150,000 ang halaga. Maliban sa mga luxury watches niya ay mayroon din siyang private jets at armored truck na mayroong full mater suite, living room, kusina, at palikuran





error: Content is protected !!