Isang online seller, nagbigay ng ilang mga payo upang kumita ng milyon sa pamamagitan lamang ng FB Live!



Marahil ay isa ka sa maraming mga Pilipino ngayon ang naghahanap o di kaya naman ay nagnanais na magkaroon ng “extra income” upang kahit papaano ay kumita ng salapi na maaaring maging pangdagdag sa panggastos at pangsuporta sa ating mga pamilya. Tunay ngang walang mangyayari sa iyo kung maghihintay at tatanga ka na lamang sa isang tabi.



Mas mainam pa rin ang kumilos at gumawa ng paraan. Sabi nga ng marami, kung magnanais kang magnegosyo dapat ay isipin mo sa iyong sarili kung anong klaseng sugal ang pinapasok mo at maging handa ka sa maaaring kalabasan nito. Kung kaya naman marami ang naingganya sa mga payo ng isang online seller na ito upang kumita ng milyon sa pamamagitan lamang ng FB Live na hindi na lingid sa marami sa atin. Ang mga “online seller” kung tawagin ay mga tao na nagtitinda sa pamamagitan ng social media na ginagamitan din nila ng internet, at mula sa maliit nilang puhunan ay napapalago nila ito.


Sa naging documentary ni Atom Araullo na mayroong pamagat na “Kunek. Nood. Bili” ay nagbahagi ang isang online seller ng kaniyang mga naging pamamaraan kung paanong ang kaniyang puhunan na P4,000 ay kumita ng husto na umabot na ng milyon. Siya ay nakilala bilang si Madel Delos Santos na namamahala at nagmamay-ari ng “Ledam’s Collectionez”. Nagsimula siyang maging isang online seller noong ito ay nasa Japan pa. nagsimula siya sa pagtitinda ng mga damit doon na binibili pa ng kaniyang hipag at ipapadala sa Japan.


Mas naging maganda ang kaniyang kita sa kaniya ang ganitong pamamaraan dahil sa ang P250 na halaga ng mga damit dito ay naibebenta niya doon ng nasa halagang P1,000. Sinong mag-aakala na ang 4 na libong piso niya ay magiging P30,000?


Naging matagumpay ang kaniyang pagtitinda ng mga damit hanggang nakapagbebenta na rin siya ng mga alahas at mga branded na bags. Ayon sa kaniya ay simple lamang ang dapat mong gawin kung nais mong umasenso sa pagtitinda online. Una, kailangang maging presentable ang itsura ng isang online seller. Huwag sumabak agad sa online selling kung bagong gising.
Ikalawa, kailangang makita nang maayos ng mga online shoppers ang produkto kaya marapat itong i-model ng online seller. Ikatlo, kailangang ipaliwanag nang maayos sa mga online shoppers kung ano ang mga katangian ng iyong produkto. Kailangan ding masagot nang maayos ang mga tanong ng mga customers.






error: Content is protected !!