Nag-viral ang mag-aaral na ito dahil sa pagbabasa niya ng bibliya sa halip na makipagdaldalan sa kaniyang kamag-aral!



Isang estudyante ang labis na hinahangaan ng publiko ngayon dahil sa matapos nitong magsagot sa kaniyang mga pagsusulit sa paaralan ay mas minabuti nito na magbasa ng bibliya kaysa makipag-usap o makipagkwentuhan sa kaniyang mga kamag-aral matapos na ibahagi ng kaniyang guro ang kaniyang larawan sa social media. Ang guro ay nakilala bilang si Lorelie Uyanib Enriquez na nagbahagi ng ilang mga larawan ng kaniyang estudyante na tahimik na nakaupo sa kaniyang upuan at nagbabasa ng bibliya.



Ang kaniyang mga kamag-aral ay abalang-abala pa sa kanilang mga test papers habang ang isang estudyanteng ito ay talaga namang kabibiliban mo. Talaga namang napukaw niya ang atensyon ng kaniyang guro maging ang paghanga nito sa kaniya at nang marami pang mga tao. Ang pangalan ng kahanga-hangang mag-aaral na ito ay Freya Donoso. Ang ina ng bata na si Rexcel De Jesus ay talaga namang nasorpresa ng i-tag siya ng kaniyang kaibigan sa larawan na ito ng kaniyang anak. Ayon sa kaniya ay labis siyang nagpapasalamat at nagkaroon siya ng isang anak na katulad niya at sa pagbibigay nito ng inspirasyon at mabuting modelo sa mga kabataang katulad niya.


Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang bata na ito. Tunay ngang malimit ay nakakaligtaan na nating magbasa ng bibliya sa paglipas ng mga araw maaaring dahil sa ating pagiging abala sa maraming mga bagay. Ngunit hindi dapat natin malimutan na kailangan nating pakainin ang ating espiritu ng mga banal na salita na mababasa natin at makikita sa bibliya. Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang mag-aaral sa kanyang murang edad ay nanaisin pa na maglaan ng kaniyang oras para sa Diyos at sa pagbabasa ng bibliya kaysa sa gawin ang ano pa mang mga bagay. Nawa ito ay maging isang inspirasyon para sa nakararaming mga Pilipino at mga kabataan upang magsumikap na mas maging malapit pa sa Diyos.





error: Content is protected !!