Siomai vendor, patuloy sa patitinda para lamang makatapos ng pag-aaral at makamit ang kaniyang pangarap na maging isang inhinyero



Sa panahon natin ngayon, mayroon nang ilang mga programa ang pamahalaan upang magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang mga kabataang Pilipino na makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Ngunit ilang taon pa ang nakararaan ay talaga namang naging mahirap at isang mabigat na pagsubok sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon ng maayos na edukasyon dahil na rin sa kahirapan ng buhay at wala pang masyadong programa ang ating pamahalaan patungkol sa edukasyon.



Kaya naman gayon na lamang ang pagsusumikap ng isang lalaking ito na nagtitinda ng siomai para lamang masuportahan ang kaniyang sariling pag-aaral. Kuwento ng isang netizen na miyembro ng Marikina News Facebook group na si Martin Diqouino ay nasa elementarya pa lamang itong si Benjamin ay masipag na itong naglalako at nagtitinda ng pagkain sa kanilang lugar kahit sa murang edad nito para lamang mayroon siyang pang-suporta sa kaniyang pag-aaral. Si Benjamin ay nagtitinda sa siyudad ng Marikina. Ito ang naging pahayag ng nasabing netizen:


“Nakaka-proud lang na hanggang ngayon nagtitinda pa rin s’ya para matustusan ang pag-aaral n’ya at makapagtapos. Elementary pa lang ako nakikita ko na si Benjamin. At pati noong high school nakakasabay ko s’yang pumapasok; at may bitbit s’yang candy, chicha, etc.”





Labis din siyang humanga dito dahil ito ay nasa ikatlong taon na pala niya sa kolehiyo sa kursong electrical engineering na kinukuha niya sa isang pribadong paaralan. Kunng kaya naman hinihikayat niya ang publiko na bumili kay Benjamin kung sakali man na makikita o makakasalubong nila ito.




“Tinanong ko si Benjamin habang bumibili ako sa kanya kanina kung sa’n s’ya nag-aaral ngayon. Ang sagot n’ya sa ‘kin, sa TIP. Wow! At third year na s’ya ngayon. Nakaka-proud lang at ‘yong kinuha n’ya pa electrical engineering. Kung makikita n’yo man po s’ya…please, bumili na po kayo ng paninda n’ya para makatulong.” Pahayag ni Martin. Ito ay isang napakagandang inspirasyon sa maraming mga mag-aaral at kabataang Pilipino na bigyang-halaga ang kanilang pag-aaral at ang kanilang mga magulang na nagpapagal para mapagtapos sila.





error: Content is protected !!