Baron Geisler nagbalik kolehiyo upang kumuha ng kursong “Theology”



Si Baron Frederick von Geisler o mas kilala bilang si Baron Geisler ay 37 taong gulang na aktor, businessman, occasional model, resource speaker, amateur artist at aspiring poet. Nakilala siya noon bilang isang child star hanggang sa naging teen actor siya at naging isa sa mahuhusay na aktor sa industriya ng show business.



Bagamat isa siyang mahusay na aktor ay nadawit naman ang kaniyang pangalan sa sunod sunod na mga intriga at kontrobersya sa labis na pag-inom niya ng alak at ilang mga pangbabastos sa mga kilalang personalidad. Pagkalipas ng ilang mga taon na hind siya napanuod sa mga telebisyon at sinehan ay muli siyang nabigyan ng pagkakataon sa programa ng Kapamilya network na “FPJ’s: Ang Probinsiyano” bilang si alyas Bungo.


At kamakailan nga lamang ay sinorpresa niya ang publiko dahil sa pagbabalik niya sa pag-aaral at sa pagkuha niya ng kurso na “Theology”. Ayon sa aktor ay mas nais pa niyang mapalawak ang kaniyang kaalaman tungkol sa Diyos. Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram account kung saan ipinakita niya din ang kaniyang enrollment o registration sheet kung saan mapapansin din ang ilan sa kaniyang mga subjects tulad na lamang ng Christian Apologetics, Christianity in Conflict, Pastoral Care and Theology at Practice of Expository Preaching.


Dagdag pa niya ay ginawa niya ito upang matupad ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo at magkaroon ng diploma. Ibinahagi pa niya sa iba pa niyang social media post na siya ay tuturuan nina Dr. Eph at Pastor James.


Naging bokal ang aktor kung paano siya nabago bilang isang tao noon at ngayon ng kaniyang pananampalataya sa Diyos. Si Baron ay miyembro ng Shekinah, Knights of the King Circle, kung saan si Sen. Joel Villanueva ang pastor. Ibinahagi din niya na batid niya sa kaniyang sarili na mayroon siyang “calling” mula sa Diyos na magbahagi ng mga banal Niyang salita.
“Now, since I have that peace in my heart, I have God in my heart, I also want to spread that, and share that with the people here in the Philippines and all over, kung sino man ang makasalamuha ko,” Pahayag ng aktor.






error: Content is protected !!