Bata nagtitinda ng “tuyo” para sa ama na may sakit at sa kaniyang pag-aaral!



Mayroong karamdaman ang kaniyang ama at pumanaw na ang kaniyang ina, ngunit hindi nagpatalo sa hirap ng buhay at mga pagsubok ang bata na ito. Sa halip ay nagsusumikap siyang makapagtinda ng “tuyo” upang masuportahan ang kaniyang ama na mayroong sakit at masuportahan ang kaniyang sarili na makapagtapos ng pag-aaral. Dahil dito ay napukaw niya ang atensyon ng maraming mga netizens at naging usap-usapan ito sa social media.



Ayon kay Jewel Rashia, siya at ang kaniyang ina ay nasa Jollibee Pateros noon at kumakain nang mapansin ng kaniyag ina ang isang batang lalaki na nagtitinda sa may hagdanan. Pinagmasdan nila ang batang lalaki habang masayang masaya itong nagtitinda ng “tuyo” at tinapa sa mga customer ng nasabing fastfood chain. Hindi rin naman siya pinagbabawalan ng mga crew ng kilalang fast food chain dahil sa nakikita naman nilang pursigido ito na maubos ang kaniyang mga paninda. Nang makalapit na ang bata sa lugar na kinakainan ni Jewel at nang kaniyang ina ay nagulat sila dahil tila parang isang commercial ang ginagawang pagtitinda ng bata. Kung kaya naman binilhan nila ito ng kaniyang paninda habang kinakausap nila ito.


Napag-alaman nila na ang kaniyang pangalan pala ay Lance at siya ay nakatira sa Gawad Kalinga Village sa Sta. Ana. Dahil nga sa mayroong sakit ang ama at wala na ang kaniyang ina ay ang tita na lamang niya ang nagpapaaral sa kaniya ngunit hindi sapat ito kung kaya naman nagsusumikap siyang maghanap-buhay para sa kanilang mag-ama. Maluhaluha siyang nagkukwento sa kanila at talaga namang makikita sa kaniyang mga mata ang kaniyang determinasyon na makabenta ng marami at maubos ang kaniyang mga paninda bago siya umuwi sa kanilang tahanan.


Labis na humanga ang mag-ina sa batang ito kung kaya naman ibinahagi nila sa social media ang kaniyang kwento upang kahit papaano ay makatulong sa bata na kung mayroon mang makakita sa kaniya na nagtitinda ay sana kahit papaano ay bilhan nila ang masipag na batang ito.




error: Content is protected !!