Janella Salvador pinahanga ng publiko sa kaniyang “Maria Clara look” sa dinaos na ABS-CBN 2019 Ball!



Si Janella Salvador ay 21 taong gulang na aktres at mang-aawit. Siya ay nakilala sa kaniyang hit series na “Be Careful With My Heart” at “Oh My G!”, “Haunted Mansion”, “Born for You” at “So Connected”. Siya ay kumanta na rin sa Disney, at nagwagi ng FAMAS Award at tatlong PMPC Awards. Sa ngayon ay hinahangaan ng publiko ang natatangi niyang pagganap sa bago nilang programa sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Maja Salvador, Geoff Eigenmann at Joshua Garcia.



Nito lamang Sabado, Setyembre 14 ay ginanap ang ABS-CBN Ball 2019 na mayroong tema na “modern Filipiniana” para sa Bantay Bata 163. Ang malilikom na pondo ay para sa Bantay Edukasyon Program. Maraming mga aktres at aktor ang talaga namang nagningning sa pagtitipon na iyon at isa na nga rito ang Kapamilya actress na si Janella Salvador.


Siya ay nagsuot ng isang gown na idinisenyo ni Michael Leyva. Ang kaniyang mga likha ang ilan sa mga lumutang na kasuotan ng gabing iyon. Talaga namang kakikitaan ng “class” at “sophistication” ang aktres sa kaniyang suot na ivory Maria Clara-inspired gown.


“I wanna modernize the traditional Maria Clara, at the same time, show innovation on how it will be modern. Janella knows what she wants initially. She wanted to look like Audrey Hepburn, which is very elegant and simple.” Pahayag ni Michael.


Ang naturang gown ay collaboration din nila ng aktres. Tela ng pinya ang ginamit niya sa paggawa ng nakakamanghang gown. Ang stylist ni Janella ng gabing iyon ay si Perry Tabora, ang kaniyang make-up artist ay si Mickey See habang ang hairstylist naman niya ay si John Valle. Umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko ang magarang outfit na ito ni Janella. Naging kapansin-pansin ang kaniyang angking kagandahan at kasimplehan na larawan din ng isang dalagang Pilipina. Hindi na nakapagtataka na marami siyang mga tagahanga at tagasuporta sa ngayon.



Source: Pep




error: Content is protected !!