Vice Ganda nagbigay ng mga payo sa mga katulad niyang “breadwinners” ng kani-kanilang mga pamilya!



Inamin ng sikat na komedyante at host na si Jose Marie Borja Viceral o mas kilala ng publiko bilang si Vice Ganda na hindi madali ang maging isang “breadwinner” sa pamilya o yung tao na sumusuporta sa pamilya sa pinansyal na pangangailangan ng mga ito.



Maaaring nakakagalak sa puso ng isang tao ang pagtulong sa mga mahal niya sa buhay ngunit minsan ay nagiging mahirap din talaga ito. Kadalasan na kinakaharap ng mga tinatawag na “breadwinners” kung ano ang dapat nilang mas bigyan ng atensyon at pagpapahalaga: ang kanila bang kinabukasan o ang kapakanan ng kanilang pamilya? Nagbigay ng ilang tips ang “Unkabogable star” na tiyak na makakatulong sa maraming mga katulad niyang sumusuporta sa kanilang pamilya.


Ibinahagi niya ito sa video blog ni Bianca Gonzalez sa Facebook kung gaano kahalaga ang pagbibigay importansya sa sarili bago ang sino pa man.  “I built myself first before I was able to build my own family. Kasi kung wala akong strength, hindi ko maishe-share ‘yung strength na ‘yun.


Pinalakas ko ‘yung sarili ko para mapalakas ko din ‘yung ibang tao. Kasi kung pare-pareho kaming mahihina, hindi rin kami magtatagumpay. Kasi kung wala ka namang isha-share, wala, wala talaga.” Pahayag ng komedyante.


Pinaalalahanan din niya ang publiko na magsumikap ng husto at huwag nang pakawalan pa ang mga oportunidad na darating sa kanilang buhay. “Kailangan mas matalino ka. Humanap ka ng maraming, maraming oportunidad at kunin mo lahat ‘yun. Hindi puwedeng ito lang naman ang in-exert mo, tapos nagtatanong ka kung bakit ito lang ang meron ka.”, dagdag pa niya.



Sa Instagram ay nagbahagi siya ng isang makabagbag-damdaming mensahe para sa kaniyang nanay at nangako ito na bibigyan niya ito ng komportableng buhay. Matapos nga ng naging bakasyon nila sa Estados, Unidos ay isinakay ni Vice ang kaniyang ina sa isang business class seat pabalik sa Pilipinas.