Angel Locsin inamin na gumastos siya ng P100k para sa kaniyang gown noong 2018 ABS-CBN Ball, matapang na sagot niya sa isang netizen na nagsabing libre lamang ang kaniyang kasuotan noon!



Ang Kapamilya actress na si Angel Locsin matapang na sinagot kamakailan lamang ang komento ng isang netizen na diumano ay hindi naman nagbabayad o gumagastos ang mga artista para sa kanilang mga kasuotan sa tuwing dadalo sila ng ABS-CBN Ball. Sa Twitter ay matapang na sinagot ng aktres ang pahayag na ito ng netizen sa kaniyang pag-aakala na ang mga artistang dumadalo sa pagtitipon na iyon ay iniisponsoran lamang ng mga gowns, outfits, at maging nang kanilang styling team.



Mayroong din itong koneksyon sa naging desisyon ng aktres na hindi na dumalo pa sa ABS-CBN Ball 2019. Napagdesisyunan na lamang ng aktres na i-donate ang pera na kaniyang gagastusin sana para sa kaniyang gown direstso sa Bantay Bata.


Ayon sa netizen, bakit pa gugustuhin ng aktres na hindi dumalo sa event kung wala naman siyang dapat gastusin kahit piso sa lahat ng paghahanda at maging sa gown na kaniyang susuotin? Agad namang sagot ng aktres, “Says who?” Ayon pa sa netizen, ang sikat na aktres na kagaya ni Angel ay hindi dapat pang inaalala ang mga ganitong bagay dahil sa madali naman siyang makakuha ng mga sponsor para sa pagdalo niya enggrandeng event.


“Like, last year 100k for gown alone ang binayad ko. Wala pang fee ng stylist, glam team, hotel, etc. Also, hindi rin naman fair na hindi ka magbayad kasi hindi madali ang ginagawa ng team. You get my point na?” Matapang na pag-amin ng aktres tungkol sa kaniyang mga nagastos noong nakaraang ball.


Marami ding mga netizens ang nagsasabi na bilang mga artista ay pribilehiyo nila ang pagkakaroon ng mga isponsor sa mga event ngunit ayon naman sa aktres:
“Minsan. But sa dami ng aattend sa ball, lalo na may theme pa, magkakaubusan rin. San ba nanggaling yung impression mo na parang ang privilege ng mga artista? Kung gumagastos ka pag may event ka, wala naman kaming pinagkaiba.”