Empoy Marquez pinapaamin ni Kris Aquino tungkol sa totoo niyang “feelings”



Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas kilala ng publiko bilang si Kris Aquino ay 48 taong gulang na host, aktres, prodyuser, product endorser at ‘businesswoman”. Siya ay binansagan ding “Queen of All Media” ng publiko.



Nakilala siya hindi lamang sa husay niya sa pag-arte at sa kaniyang mga patok na pelikula noon ngunit dahil sa pagiging mahusay niyang host ng ilang mga talk shows at game shows. Siya rin ang pinakabatang anak ng dating senador na si Benigno Aquino Jr. at dating president Corazon Aquino na ika-11 Pangulo ng Republika ng Pilipinas habang ang nakatatanda naman niyang kapatid na si Benigno S. Aquino III ang ika-15 Presidente ng ating bansa. Siya rin ang pinakakilalang celebrity product endorser at pilantropo na mayroong adbokasiya sa “lupus awareness”, “children’s rights”, “LGBT rights”, “culture and art appreciation”, “freedom of expression”, at “democratic reforms”.


Nakarelasyon niya noon ang beteranong aktor na si Philip Salvador kung saan sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Joshua. Taong 2003 naman nang mapabalita ang relasyon niya sa sikat na komedyanteng si Joey Marquez na nagkaroon ng matinding kontrobersya dahil sa diumano ay mayroong STD ang huli. Makalipas pa ang ilang taon ay ikinasal siya sa PBA professional player na si James Yap at naganap ang kanilang “civil marriage ceremony” noong Hulyo 10, 2005. Nang sumunod na taon naman ay ibinahagi nila ang magandang balita na nagdadalang-tao siya. Ngunit taong 2006 naman ng naging maugong ang balita na pagtataksil ni Yap sa aktres.


Abril 2007 nang isilang niya ang ikalawang anak na si James Carlos “Bimby” Aquino Yap, Jr., sa siyudad ng Makati City. Taong 2010 naman ipinahayag niya ang kaniyang pakikipaghiwalay sa kaniyang asawa dahil sa kaniyang personal na mga rason at kalaunan ay nagnais na rin siya ng diborsyo. Naging masalimuot man ang buhay pag-ibig niya ay lubos naman siyang pinagpala dahil sa kaniyang dalawang anak.


Kamakailan nga lamang ay napanuod ng publiko ang kanilang pagsasama ng aktor na si Empoy Marquez sa isang commercial sa telebisyon. Naging usap-usapan ang naging pahayag ni Kris patungkol sa pag-amin ni Empoy patungkol sa tunay niyang nararamdaman. Dagdag pa nito ay hindi mabuti ang nagtatago ng nararamdaman. Pagpapayo pa ng batikang host ay dapat na mas ipagmalaki pa niya ito at dapat ay maging masaya siya. Umani ito ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko.



Source: Instagram




error: Content is protected !!