Isang babae nanaginip na nalulon niya ang kaniyang “engagement ring”, laking gulat niya ng magising siya ay totoo pala ito at hindi panaginip!



Naranasan mo na bang managinip na tila sobrang linaw at totoong-totoo? Yung tipong magigising ka na lang bigla at maaalala mong ilang bahagi ng iyong panaginip ay totoo pala? Ito ang kadalasang nangyayari sa mga naglalakad ng tulog. Ngunit tila naging delikado ang panaginip ng isang babaeng ito matapos siyang managinip na nalulon niya ang kaniyang singsing ngunit ang katotohanan ay nangyari pala talaga ang lahat ng ito. Siya ay si Jenna Evans mula sa San Diego, California at kinuwento niya kung paanong ang kaniyang panaginip ay nagkatotoo pala talaga.



Sa kaniyang panaginip, masaya silang nakasakay sa tren ng kaniyang mapapangasawa na si Bob Howell nang bigla na lamang mayroong mga masasamang tao na sumakay sa sinasakyan nilang tren na kumuha ng gamit ng mga pasahero.


At nang makita ni Bob na papalapit na sa kanila ang mga magnanakaw ay sinabihan siya nito na lulunin muna ang kanilang “engagement ring” upang hindi ito mapasa-kamay ng masasamang tao.


Nang magising si Jenna ay laking pasasalamat nitong panaginip lamang pala ang lahat ngunit labis siyang nabigla nang makitang nawawala na ang kaniyang singsing sa kaniyang mga kamay. Agad naman niyang hinanap ito sa bawat sulok ng kanilang bahay ngunit hindi niya ito makita, ilang oras pa ay naisip niyang nalulon nga niya talaga ito.


Pinagtawanan lamang nila ang pangyayaring ito at ayon kay Bob ay hindi niya akalain na magagawa talaga ito ng kaniyang mapapangasawa. Matapos nilang pagtawanan ang buong pangyayari ay napaisip ang dalawa na kailangan na pala nilang magtungo kaagad sa ER o sa emergency room.



Ilang mga doktor ang nagdesisyon na sumailalim si Jenna sa “upper endoscopy” upang makuha ang singsing sa loob ng kaniyang katawan. Sa punto na ito ay nakaramdam na siya ng sakit sa loob ng kaniyang katawan dahil sa singsing na kaniyang nalulon ngunit matapos ang operasyon ay naging matagumpay naman ito.




error: Content is protected !!