Kris Aquino iniimbitahan ang mga kalalakihang “single” na may edad 41 hanggang 55 na i-add siya sa Facebook bilang kaniyang Facebook friend



Natuwa ang publiko at nasorpresa sa naging pahayag ng “Queen of All Media” na si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas kilala ng publiko bilang si Kris Aquino. Ayon sa hinahangaang personalidad ay iniimbitahan niya ang mga lalaki na wala pang asawa na nasa edad 41 hanggang 55 taong gulang, mga doktor o mga piloto na i-add siya bilang Facebook friend at agad naman niya itong pauunlakan. Sa kaniyang Instagram, ibinalita ni Kris na mayroon na siyang personal na Facebook account at sa ngayon ay naghahanap siya ng mga bagong kaibigan. Ayon sa kaniya ay pinauunlakan niya ang ilang mga lalaki na wala pang asawa na kaibiganin siya ng pribado.



“FYI, I now have a personal Facebook account, BUT I only have 8 friends- so far… anybody there na gustong i-friend ako privately?” Ito ang post ng sikat na aktres at host. Ngunit paglilinaw pa niya ay dapat lamang na magtagpo ang mga “standard” nila.


“If you’re male, please be between 41 to 55, single (pwedeng widowed, div0ced, legally separated, or annulled), and if you’re a DOCTOR (especially a rheumatoid, immunology, allergy specialist, neurologist, anesthesiologist, pa!n management specialist, or cardiologist) promise ACCEPT agad ang friend request.” Pagbabahagi pa ng aktres.


Pagkukwento pa ng aktres nais ng kaniyang mga anak ang isang piloto na mayroong internasyonal na ruta. Nagbiro pa ito na marahil ay alam na nila kung ano ang naghihintay para sa kanila. Dagdag pa niya ay nais lamang niyang magbahagi ng kabaitan, pagiging mapagbigay, at pag-ibig sa maraming mga tao.


Kamakailan lamang ay naging maugong na usap-usapan sa publiko ang personal na buhay ni Kris lalo na ang kaniyang buhay pag-ibig dahil na rin sa mga larawang kumakalat sa social media kung saan kasama niya at ng kaniyang dalawang ang sikat na host at negosyanteng si Willie Revillame. Ngunit agad naman niyang pinabulaanan ang usaping ito na sila ay magkaibigan lamang ni Willie.




error: Content is protected !!