Mariel Rodriguez-Padilla at Toni Gonzaga-Soriano nagkita sa New York kasama ang kanilang mga anak!



Si Mariel Rodriguez-Padilla ay 35 taong gulang na commercial model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American citizen. Ikinasal siya sa beteranong aktor na si Robin Padilla sa Taj Mahal ng India noong Agosto 19, 2010. Una silang nagkakilala noon sa programa ni Willie Revillame na Wowowee. Mayroon na silang dalawang anak ngayon, si Maria Isabella na magtatatlong taon na sa Nobyembre 14 at si Maria Gabriella na ipinagbubuntis ngayon ni Mariel.



Kamakailan lamang ay nagkita sila ni Toni Gonzaga-Soriano sa New York kung saan binabalak ni Mariel na magsilang ng ikalawa nilang anak ng mister na si Robin. Nagkaroon ng oras ang dalawang magkaibigan na sina Toni at Mariel na kumain at mamasyal kasama ang kanilang mga anak sa ibang bansa.


Kasama ni Mariel ang anak na si Isabella Padilla habang kasama naman ni Toni ang mister na si Paul Soriano at ang kanilang anak na si Seve. Nitong nakaraang linggo lamang nagtungo sa Amerika si Mariel habang ang pamilya naman ni Toni ay mas maagang nagtungo doon para sa pag-aaral ng huli sa Harvard University sa Cambridge, Massachusetts ng isang short course.


“Out of all the walks we have taken in our personal and work life, this is by far my most favorite one. So happy to see you and Isabella!” Ito ang naging post ni Toni Gonzaga sa kaniyang social media account.


Naging malapit na magkaibigan sina Mariel at Toni dahil sa reality show na Pinoy Big Brother. Isa pa sa malalapit nilang kaibigan ay si Bianca Gonzalez ba isa ring co-host ng nasabing programa.



Masayang-masaya din ang kanilang mga anak na sina Seve at Isabella sa kanilang paglalaro. Pabiro namang nabanggit ni Mariel sa kaniyang social media post na sa susunod ay kasama na nila ang mga anak ni Bianca na sina Carmen at Lucia at ang baby number 2 nina Toni at Paul.

Source: Pep




error: Content is protected !!