5-anyos na bata nag-online shopping sa cellphone ng kaniyang ina na nagkakahalaga ng higit sa limang libong piso!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang post ng isang ina patungkol sa kaniyang anak na tila masyadong nalibang sa pagpindot ng kaniyang cellphone at nakaorder sa isang online shopping site ng higit sa 5,000 piso na halaga ng mga produkto.



Ang ina na ito ay nakilala ng publiko bilang si Cassandra Nichole Alegre na talaga namang sumakit ng husto ang ulo dahil sa pag-order ng kaniyang anak na lalaki sa isang sikat na online shopping site.


Ang anak ng netizen ay nakilala naman bilang ang limang taong gulang na si Yves. Umorder sa Shoppe si Yves ng tatlong mga laruang baril na nagkakahalaga ng P126 kada isa at anim na “air ultra-air cooler” na nagkakahalaga ng 750 ang bawat isa.


Makikita naman sa Facebook post ni Alegra ang mga order details ng kaniyang anak na sa kasamaang palad ay hindi na maaari pang i-kansela dahil sa nakumpirma na ang pagdedeliver nito sa kanilang tirahan. Ang kabuuang halaga na kailangan niyang bayaran ay P5,228.00.


“At tumigil ang mundo ko nang buksan ang Shopee account ng anak kong 5 years old. Di na pati ma-cancel at OTW na ang para-deliver… Ay talaga, nanggigigil ako,” Pahayag ni Alegre.
Ang nasabing viral na post ay umani na ng higt sa 16,000 reactions, 4,900 comments, at 11,000 shares habang isinusulat ang artikulo na ito. Ang naging karanasang ito ni Alegre ay isang babala para sa maraming mga magulang na pinapagamit ng cellphone o iba pang gadget ang kanilang mga anak na marapat lamang na hindi tayo masyadong magpakakampante bagkus ay ugaliin nating i-check ang ginagawa ng ating mga anak hindi lamang para sa kanilang seguridad at kaligtasan kundi upang maiwasan din ang mga ganitong pangyayari.



Si Yves ay binansagang “Shopee Kid” ng mga netizen at talaga namang tuwang-tuwa siyang makita ang kaniyang mga larawan na viral ngayon sa social media.




error: Content is protected !!