Bea Binene sa pagkakaroon niya ng sarili negosyo sa edad na 21: “Fulfilling ang babalik sa iyo”



Si Beanca Marie Landero Binene ay mas kilala ng publiko bilang si Bea Binene. Siya ay 21 taong gulang na aktres at television host. Naging parte din siya ng “Starstruck Kids” sa edad na anim na taong gulang noong 2004 kung saan siya unang nakilala. Bukod dito ay isa rin siyang “Junior Ambassadors for the Haribon Foundation” mula pa noong 2005. Hinangaan siya ng marami dahil sa kaniyang angking galling sa pag-arte at paghohost. Bukod pa nga sa pagiging isang artista ay aktibo rin siyang atleta ng “wushu” na nangangarap ding makapaglaro para sa “Philippine National Wushu Team”.

 

View this post on Instagram

 

Yesterday’s achievement. ✨ – – – The journey of setting up a business like this is not a joke. I wanted to be super hands-on and do everything, maybe that’s why I’m this stressed. ? it was physically, financially, mentally, spiritually and emotionally exhausting. But seeing the finished product makes all the hardships (medyo) worth it… bakit medyo worth it lang? Kasi ngayon naman ang simula ng isa pang challenge—the challenge of staying in the game (kahit madaming ibang nandyan), of fulfilling all our customers wants, the challenge of managing the business properly. I was hard and I know it will not get any easier, but when I saw the result, our customers faces and heard their comments about our drinks, parang medyo nawala na pagod ko. ? – – I would like to thank all my suppliers whom become my friends for all the support you’ve given me, you guys know who you are, babawi po ako sa inyo, promise. ? Thank you also to all my friends (and supporters whom I call friends too) who went to the soft opening yesterday, pasensya na diko kayo masyado naasikaso, pero your presence made me comfortable and alive despite the puyat and pagod. Haha. ? Higit sa lahat, thank you to my family—my titas, tito, cousins and mama and benice, you’ve helped and guided me through out this journey and I couldn’t do it without your guidance. And for course, thank you to our Father above for giving me all the strength, capacity and opportunity that you’ve been given me. I do this and we owe this to you. ? – – We have coffee and pastries that are selected carefully and truly made with love. Trust me, hindi po ito yung basta bastang may maiserve lang. So please, if you’re on the area, please please drop by and try our offerings. I hope you guys like it and if you like it, please tell your family and friends to try it too. Hehe. We are located at the FOODCOURT of SM Megamall, Lower Ground Level, Mega A. We are open from 10am to 10pm everyday. ?? Okay ang dami ko ng sinabi. We can’t wait to see you guys!!

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on



Kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang kaniyang pangalan dahil sa kaniyang pagdedesisyon na pumasok sa “Food and Beverage Industry”. Sa edad na 21 taong gulang ay mayroon na siyang negosyo na pinangalanan niyang “Mix and Brew Coffee na binuksan noong Hunyo 16, 2019 sa SM Megamall. Ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang kaniyang mga pinagdaanang hirap at pagsubok sa pagtatayo ng kauna-unahan niyang negosyo.


Ayon sa Kapuso actress, gusting-gusto niya ang “ambience” ng isang café, at talagang namamangha siya sa mga barista. Kung kaya naman ang maiksing pahinga niya mula sa mga soap opera noon ay ginamit niya ng husto upang makapag-aral at magkaroon ng isang one-on-one training upang siya mismo ang gumawa at sumubok ng kanilang mga produkto. Buong pagmamalaki pa niya, ang kanilang mga produkto ay pinag-isipang mabuti at hindi basta basta may ma-i-serve lamang. Ang kanilang mga coffee blends at ilang sangkap ay hinahango pa nila mula sa mga bansang Indonesia at Brazil, mayroon din silang supplier mula sa Benguet, Cavite, at Batangas.


Noong una ang akala niya ay madali lamang ang pagkakaroon ng isang negosyo, hindi niya akalain na talaga pa lang nakakapagod ito lalo na at sobra siyang hands-on at mabusisi sa lahat ng mga kakailanganin sa kaniyang negosyo. Ngunit nang nakita niya ang resulta ng kaniyang pinaghirapan ay ito ang kaniyang nasambit:

 

View this post on Instagram

 

Tara, kape? ? @mbcoffee.ph

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on



“You always have to do your best. Talagang effort kasi, kelangan mong magustuhan ng mga tao. And kapag nagustuhan ka na nila, talagang very fulfilling naman ang babalik sa iyo.”

Source: Pep




error: Content is protected !!