Nobyo naghandog ng sweet at nakakakilig na sorpresa para sa kaniyang minamahal, umani ng positibong reaskyon mula sa publiko!



Tunay ngang hindi madali ang pagpapaplano ng kasal kahit pa sabihing tunay na nag-iibigan ang isang babae at isang lalaki. Ito ay pinaplano at pinag-iisipan ng husto. Marami nga ang nagsasabi na ang pagpapakasal ay isang desisyon na talagang babago sa iyong buhay nang pang-habang panahon.



Ngunit bago pa man ang kasalan na pinahihintay ng sinumang bride-to-be, inaasahan muna ang magiging wedding proposal ng kaniyang minamahal. Kagaya na lamang ng isa sa pinaka-viral na wedding proposal ngayon sa social media kung saan tila nakaisip ng kakaibang pakulo ang lalake na ito upang sorpresahin ang kaniyang sinisinta.


Unang anibersaryo ng magkasintahan kung kaya naman pinaghandaan ng husto ni Dominic De Leon ang magiging sorpresa niya para sa kasintahan niyang si Zieryl Zoleta. Hindi inaasahan ng nobya na ang magiging anniversary gift pala sa kaniya ng kaniyang mahal na nobyo ay ang pag-aalok nito ng kasal sa kaniya. Isinakatuparan ni Dominic ang kaniyang nakakakilig na sorpresa para kay Zieryl kung saan sila unang nagkita makalipas ng matagal na panahon.


Ayon sa ibinahaging kwento ni Charm Malloga-Abril, kamag-anak ni Dominic ay naging magkatrabaho noon ang dalawa ngunit nawalan din ng komunikasyon sa isa’t-isa matapos na lumipat sila ng trabaho.


Makalipas naman ang ilan pang mga taon ay nagkita ang dalawa sa Park Square Terminal sa Makati. Ito na nga ang naging simula ng matamis nilang pagtitinginan. Nag-arkila ng isang UV Express si Dominic na mayroong nakalagay na “Marry Me” sa bandang bubungan ng sasakyan. Nilagyan din niya ng ilang mga lobo, pula na carpet, mga kandila, rose petals, at bouquet ng bulaklak.



Hindi na nga naitago pa ng nobyang si Zieryl ang kaniyang pagkasorpresa sa ginawa ng kaniyang nobyo na si Dominic. Hindi din naman nabigo ang huli dahil sa ibinigay din ni Zieryl ang kaniyang matamis na oo. Marami namang mga netizens ang tila nabuhayan na kahit sa terminal ay mayroon ding matatagpuan na “forever”.




error: Content is protected !!