Inamin ng aktor na si Diether Ocampo ang kaniyang dahilan kung bakit hindi niya hinihikayat ang ibang mga artista na makibahagi sa Coast Guard Auxiliary”



Aktor na si Diether Ocampo nagbahagi ng ilang mga payo sa mga taong nagnanais na magboluntaryong makilahok sa “Coast Guard Auxiliary”. Ang aktor ay namataan nito lamang nakaraang Sabado sa ginanap na ABS-CBN Ball. Bagamat hindi na siya malimit makita o mapanuod ngayon sa telebisyon o sa pelikula ay abalang-abala naman ito sa kaniyang mga obligasyon at responsibilidad sa “Coast Guard Auxiliary”.



Sa ngayon ay isa na siyang Philippine Coast Guard Auxiliary Commander. Nagbahagi nga din siya ng kaniyang motibasyon sa pagsali niya sa Coast Guard at patungkol sa kaniyang misyon sa maraming mga kabataan. Ibinahagi ng aktor sa isa sa kaniyang naging interview sa “PUSH” na ang kaniyang ginawa ay isang personal na desisyon.

Dagdag pa niya, ito ay isang napakahalagang bagay na lahat dapat nang mga kabataang Pilipino ay nabibigyan ng pansin ang ganitong uri ng responsibilidad natin para sa bayan, upang maprotektahan at makapaglingkod sa bayan. Binigyang-diin din niya na kailangang pagtuunan ng atensyon na mabantayan ang seguridad ng mga baybayin ng ating bansa.
Ayon pa sa dating matinee idol, ang pagsali sa Coast Guard ay hindi basta basta at dapat talagang seryosohin ng husto. Kailangan din ng “passion” o pagkahilig at “willingness” o buong pusong pagpayag sa pakikilahok dito.




“I won’t encourage anyone, like I said, it’s a personal decision it should come from their own free will, hindi ko p’wede pangunahan ang kanilang mga plano but then again, I’m looking forward to meet new colleagues probably to join eventually.” Pahayag ng aktor.


Bagamat nananatiling tahimik lamang ang aktor patungkol sa kaniyang mga tagumpay sa “Coast Guard Auxiliary” ay malimiy din naman itong ibinabahagi ng mga netizens at ng kaniyang mga kasamahan. Pebrero nitong taon ay namataan ang aktor na dumalo sa isang “ulti-District Convention” kung saan siya ay kinilala bilang isang “lieutenant commander”.

Minsan pa ay ibinahagi din ng isang netizen sa social media ang pagdodonate nito ng daan-daang pares ng “rubber hiking sandals” sa PCGA District ng NCR at Central Luzon.




error: Content is protected !!