Kakaibang hugis ng mga ulap na ito sa Bundok Banahaw kinamanghaan ng publiko!



Isang kakaibang pagkakabuo ng mga ulap sa ibabaw ng bundok Banahaw sa Quezon Province bago mag-tanghali noong ika-19 ng Setyembre ang talaga namang nagpahanga sa maraming mga tao. Gaya na lamang ng makikita sa ilang mga kuhang larawan na ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Arnaiz Mariano, ang nakuhanang larawan sa bundok Banahaw ay tila ba isang ipo-ipo habang ang ilan naman ay inihalintulad ito sa isang “flying saucer”.



Mayroon din namang ilang mga netizens ang nagkomento na hindi ito mukhang ipo-ipo bagkus ay isang kakaibang pormasyon lamang ng makapal na ulap. Ayon na rin sa ilang mga report, ang mga kuha ng kakaibang pormasyon ng mga ulap ay nakuhanan bandang 11 ng umaga at nagtagal nang halos 35 minuto. Ayon sa ilang mga ulap ay naging manipi na lamang ang ito at naglaho na lamang sa kalangitan.
Ang nasabing pangyayari ay nasaksihan din sa ilang mga parte ng probinsiya gaya na lamang ng sa bayan ng Sariaya, Tayabas, Lucban at Lucena ayon na rin sa GMA News. Ayon naman sa ilang mga netizens ang mga ulap na ito ay tinatawag ding lenticular clouds na kadalasan nanag nakikita sa ilang bahagi ng ating bansa.




Ang mga “lenticular clouds” na ito ayon sa UK’s Met Office ay nabubuo kung ang hangin ay nakapirmis lamang at ang hangin ay umiihip sa mga burol at bundok mula sa iisa o magkamukhang direksyon lamang sa matataas na lugar mula sa “troposphere”. Ang ibig sabihin nito sa salitang Latin a y “like a lens” o “Altocumulus lenticularis”. Kung marami ang mga nag-akala na ito ay isang ipo-ipo, mayroon namang ilang residenteng nagpapatotoo na malimit na din naman itong nasasaksihan sa kanilang probinsiya noon pa man.



Bagamat marami ang mga kinabahan at natakot sa pangyayari na ito ay marami pa rin naman ang labis na namangha sa kakaiba at napakagandang pagkakabuo ng mga ulap na ito sa kalangitan.





error: Content is protected !!