Marian Rivera, mala-Dra. Kang ng Descendants of the Sun ang peg ng new look!



Ibinahagi ng isang Entertainment reporter na si Noel Asinas sa kaniyang blog na ang ilang miyembro ng press ay nakapansin sa pagkakahawig ng bagong gupit ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa gupit ng sikat na karakrer ni Song Hye-kyo na si Dra. Kang sa hit hit Korean TV series na “Descendants of the Sun”. Ito ay matapos nang naging interview sa aktres sa isang “appliance store” na kaniyang ineendorso na ginanap sa Quezon City.



“Napuna ng mga intrigerang press people ang naging style ng buhok ni Marian Rivera. Napansin na kahawig daw ang gupit ng buhok ni Marian ng leading lady sa Korean soap, Descendants of the Sun,” Pahayag ni Asinas.

Kamakailan lamang ay matatandaang nagbahagi ang Kapuso aktres ng larawan nila ng kaniyang mister na si Dingdong Dantes sa kaniyang Instagram account kung saan nilagyan niya ito ng caption na: “Ang aking Big Boss sa totoong buhay.”



Inanunsyo na rin ng GMA network sa publiko na si Kapuso Primetime King Dingdong Dante sang gaganap sa iconic role ni Captain Yo Si Jin o mas kilala ng marami bilang si Big Boss para sa “Philippine adaptation” ng nasabing Korean drama. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring pormal na anunsyo patungkol sa kung sino ang gaganap bilang kaniyang “leading lady”.

Maraming mga umuugong na pangalan mula sa mga fans at supporters ng programa ngunit hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang GMA network. Ayon naman sa “Manila Standard”, wala namang problema sa kaniya na gumawa ng isang television series kasama ang mister, yun nga lamang ay mayroon siyang ilang mga bagay na nais ikonsidera.


Dagdag pa niya ang pagkakaroon ng dalawang araw na location sh00t ay nangangahulugang malalayo sila sa kanilang mga anak: si Baby Ziggy na anim na buwang gulang pa lamang at ang kanilang panganay na si Ate Zia na nag-aaral na.

“Today, when I left the house, Ziggy and Zia were sleeping. I’d be gone for four hours. I guess when I come back home, they’d still be sleeping. You see, the situation is that, I can’t be away from my children for a long time. What more if I did a television series that would require me to travel,” Pahayag ng aktres.



Isang kilala at hinahangaang “hands-on” mom si Marian kung kaya naman ang kaniyang prayoridad ay ang kaniyang mga anak.




error: Content is protected !!