Categories: Viral

Matandang babae nagtatrabaho para sa kaniyang mga alagang aso at pusang ligaw na umabot na ng 100!

Isang 64 na taong gulang na matandang babae ang naging usap-usapan sa social media dahil sa pagsusumikap na kumita ng pera mula sa kaniyang “food stall” para masuportahan at mapakain ang higit sa 100 niyang mga pusa at asong ligaw na kaniyang kinukupkop. Siya ay nakilala bilang si Huang Xiuying mula sa Ayer Hitam saJohor, Malaysia.

Ayon sa kaniyang kwento ay namatayan siya ng alaga niyang aso 20 taon na ang nakararaan nang mahagip ito ng isang humaharurot na sasakyan na hindi man lang huminto upang tulungan ang kawawang aso. Dahil sa naging karanasan niya ay naging kasiyahan na niya ang pag-aampon at pagkupkop sa mga aso at pusang ligaw sa lansangan.


Hindi man siya mayaman ay pinaglalaanan niya ng salapi ang mga pagkain ng kaniyang mga alagang hayop at maging ang pagkakapon sa mga ito. Hindi nagtagal at dumami na nang dumami ang kaniyang mga alagang asong ligaw at halos mapuno na ang kanilang bakuran dahil maging mga pusang ligaw ay kinakalinga na niya din.

Dahil na rin sa mga usap-usapan patungkol sa kaniyang kabutihang loob ay mayroong ilang mga tao na sinasadya na lamang mag-iwan ng mga alaga nilang hayop sa harapan ng kanilang tahanan dahil sa batid naman nilang dito ay inaalagaan ng husto ang mga aso at pusa na inabandona ng kanilang mga amo.

Kahit pa nga hindi ito opisyal na “shelter” para sa mga inabandonang aso at pusa ay dito na rin muna ipinagkakatiwala ng “local shelter” ang ibang mga hayop lalo na kung hindi na kasya at masyado nang masikip doon. Kung kaya naman sa ngayon ay hindi na nakapagtataka na higit sa 100 na ang kaniyang mga alagang aso at pusa.

“Seeing stray dogs often remind me of my own dogs. So, I wound up bringing home one stray dog after another. Some were brought in from the Penang City Hall, others from people who brought them to me,” Pahayag ni Xiuying.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago